Ken Chan, pinatutulad kay Rufa Mae
Sa’n na kaya si Ken Chan?
Last November pa ang kanyang paramdam sa social media. Ito ‘yung naglabas siya ng mahabang statement tungkol sa syndicated estafa na kanyang kinakaharap.
Aniya last November : “Ako naman po ang maglalabas ng mga detalye sa mga darating na pagkakataon dahil patuloy po ang pagdikdik sa akin ng mga taong gustong sirain ang pagkatao ko. Sa mga hakbang na ginawa nila mula pa noong nakarang taon hanggang ngayon, makikita ninyo ang intensyon ng mga taong gusto akong pabagsakin,” at kaunting panahon na lang daw ay ilalabas na niya ang katotohanan.
Non-bailable ang kasong syndicated estafa at meron na siyang warrant of arrest.
Pero asan na siya? Ba’t si Rufa Mae Quinto, matapang na hinarap ang mga kaso.
Si Rufa Mae ay lumipad pabalik ng Maynila last week upang sumuko sa National Bureau of Investigation at harapin ang kaso ng umano’y paglabag sa Securities Regulation Code na may kaugnayan sa isang skincare company na kanyang ineendorso.
Nasa malapit na bansa lang daw sa Asya si Ken.
- Latest