Derek, mas may katwiran daw kesa kay John!
Nagkomento ang aktor na si Derek Ramsay tungkol sa nag-viral na video ng security guard at isang babaeng sampaguita vendor.
Makikita sa video ang pagtaboy ng guard sa nagtitinda ng sampaguita na nakasuot ng school uniform sa harap ng isang mall. May akmang pagsipa pa ang guwardiya at hinablot nito ang mga sampaguita na napigtas, habang ang babae ay hinampas din ito pabalik ng natirang sampaguita.
Ayon sa mister ni Ellen Adarna ay nakakalungkot na wala man lang daw sumubok na pumigil sa dalawa.
Mas naging prioridad pa raw ang pagkuha ng video kesa tumulong.
Sey niya ay may mali raw talaga sa guard at sigurado rin siya na may mali rin sa bata pero mali rin daw ang ginawa ng kumuha ng video kesa tumulong. At nilagyan pa nga raw ito ng malungkot na background music.
Hindi pa nga tapos ang kwento tungkol sa nag-viral na video. Matapos na sibakin ang guwardiya ay may kumalat namang kwento na hindi raw totoong bata ang babaeng nagtitinda na nakasuot ng school uniform.
May nagsabi pang sangkot daw ang sindikato sa gano’ng modus.
Bukod kay Derek ay nagkomento rin si John Arcilla. Pero base sa komento niya ay tila mas panig si John sa babaeng vendor.
Kung hindi raw sa hirap ng buhay, palagay niya ay hindi nito papasukin ang pagtitinda ng sampaguita at pagsusuot ng uniporme.
Sa dalawang aktor, mas sumang-ayon ang mga netizen kay Derek na hindi raw one-sided.
- Latest