Richard, ayaw pag-usapan si Sarah dahil sa annulment
Once and for all ay nilinaw ni Richard Gutierrez na hindi si Barbie Imperial ang dahilan ng hiwalayan nila ng asawang si Sarah Lahbati.
Yes, for the first time ay nagsalita na nga ang aktor tungkol sa issues sa kanya sa latest vlog ni Ogie Diaz.
Hindi man direktang inamin ni Richard ang relasyon nila ni Barbie ay ipinagtanggol niya ang dalaga sa akusasyong third party ang rumored girlfriend at dahilan ng breakup nila ni Sarah.
“Doon muna tayo sa what you see is what you get sa amin ni Barbie,” pahayag ni Richard sa relasyon nila ng aktres.
“Ang gusto ko lang sigurong i-clarify doon sa mga tao is that si Barbie, walang kinalaman sa paghihiwalay namin ni Sarah.
“Hindi siya third party, hindi nag-overlap. Kasi maraming mga tao, ‘yun nga, mga bashers na nagsasabi na siya ang dahilan. Wala siyang kinalaman.
“Nakilala ko si Barbie, matagal na kaming nagkahiwalay ng landas ni Sarah,” paglilinaw ng aktor.
Dagdag pa niya, bilang lalaki ay gusto naman daw niyang protektahan si Barbie.
“So, ‘yun, gusto ko lang i-clarify. Siyempre, kasi, parang ang daming nagre-react sa kanya, ang daming naghe-hate comments sa kanya. Siyempre, kailangan ko siyang protektahan at kailangan ko ring i-clarify ‘yun,” aniya.
Tungkol naman sa hiwalayan nila ni Sarah, ani Chard ay ayaw na raw niyang magdetalye pa ng dahilan at mas gusto na lang daw niyang mag-move forward. Inamin din niyang kasalukuyang nasa proseso na sila ng annulment.
“Siguro ‘yung tungkol sa amin ni Sarah, ayoko na rin pag-usapan ‘yung mga nangyaring detalye kasi, we are actually going through an annulment now. And both parties naman want to move forward.
“Actually, at this point, nakapag-move forward na ‘yung both parties. May equal time kami with our kids. So, parang nagko-co-parenting kami. And ang priority namin is to make sure that the kids, you know, live a good life, a happy life.
“And of course, kung happy siya sa buhay niya, at happy ako sa buhay ko, makikita ng mga bata ‘yun. At ang importante sa amin ay ‘yung mga bata.
“So, kung ano man ‘yung dahilan, matagal na panahon na ‘yun, nakapag-move on na kami pareho, 2025 na. Gusto kong magsimula yung taon nang maganda, peaceful, at happy.
“So, ‘yun, let’s leave the past in the past. We’re all trying to move forward,” aniya.
When asked kung ano ang naka-attract sa kanya kay Barbie, inisa-isa ni Chard ang magandang katangian ng aktres.
“Si Barbie kasi, totoong tao, what you see is what you get talaga rin sa kanya. Mabuting tao, maalaga, nakikita mo na genuine ‘yung intentions niya, genuine ang pagkatao niya,” paglalarawan ni Chard sa rumored GF.
Nagsimula raw ang lahat nang magkita sila ni Barbie sa opening ng Tipsy Pig Restaurant sa Alabang.
“Nu’ng nag-open ‘yung Tipsy Pig sa Alabang. Naging partner ako do’n, tapos, partner din siya. And then, ‘yon. Lumabas kami do’n, nag-meet kami do’n.
“Kumbaga, do’n kami pinagkakilala. Lumalabas kaming dalawa, nandu’n kami, nagha-hang out kami with friends and other partners. And then, du’n namin nakilala ang isa’t isa. And ‘yun, masaya siyang kasama. Enjoy kaming dalawa. Du’n na nagsimula,” sey ni Chard.
Aniya ay happy raw siya ngayon and he also wishes the same for Sarah.
“Nagsalita rin naman siya (Sarah) sa media na you know, she’s single. Basta ako, ang wish ko lang eh sana maging masaya siya sa lahat ng nangyayari or desisyon niya.
“Kasi, ako, moving forward, happy din ako. And ‘yun naman ang importante din para sa amin kasi ‘pag happy siya, makikita ng kids ‘yun, maaapektuhan ‘yung kids du’n.
“Ako din, ‘pag happy ako, makikita ng kids. And ‘yun naman ang importante sa amin siguro at this point, magkaroon kami ng magandang co-parenting with the kids,” saad ni Richard.
- Latest