Vic, nakaisa na kay Direk Darryl?!
MANILA, Philippines — Uy parang nakaisa si Bossing Vic Sotto kay Darryl Yap matapos na ibasura ng Muntinlupa Regional Trial Court ang mga mosyon na inihain ng kampo nito tungkol sa kontrobersyal na teaser ng pelikulang The R*pists of Pepsi Paloma.
Binasura raw ang apela ng kontrobersyal na filmmaker na pagsasama-samahin ang petition for writ of habeas data at ang criminal complaint ni Bossing.
Una na ngang inihain Bossing na tanggalin ang mga materyales na may kaugnayan sa kontrobersyal na pelikula, kung saan ang teaser ay pinangalanan siya. Pagkatapos ay nagsampa ang mga reklamong kriminal para sa 19 na bilang ng cyber libel laban kay Direk Darryl.
Mas mabilis daw ang resulta ng cyber libel kesa sa traditional libel kaya hindi maiinip ang mga naghihintay ng resulta nito.
Sessionistas, malalim na ang naging relasyon
Sold-out na kaagad ang February 8 concert ng Love, Sessionistas: A Pre-Valentine Concert sa The Theatre at Solaire.
Kaya naman agad na nagkaroon ito ng Day 2, sa April 4, 2025, same venue, The Theatre at Solaire.
May regular following na sina Ice Seguerra, Nyoy Volante, Sitti, Duncan Ramos, Princess Velasco, Kean Cipriano, and Juris na nag-umpisa ang grupo sa ASAP.
Pero lumampas sa pagiging singing group kumbaga ang samahan nila, naging mas magkakaibigan sila. “More than the singing, it’s the friendship na nabuo namin on and off stage,” sabi ni Ice.
At laging ang taas ng energy nila, na ayon kay Nyoy Volante, “We always inspire each other. There’s this weird, like, entity that we become kapag magkakasama kami. You have to see it. When we perform, we become something else.”
Para naman kay Juris, the camaraderie has been irreplaceable: “Early 2009 na nagsimula yung Sessionistas. What I like about being part of the group is that on and off stage we are having fun. We support each other, ‘yun ‘yung gusto ko.”
“Alam namin kung kailangan mo ng advice or comfort, or maramdaman lang na andiyan kami para sa ‘yo. These are friendships that I formed na lifelong na,” pahayag naman ni Princess Velasco.
Sabi naman ni Duncan Ramos : “Yung wit tsaka ‘yung humor sa relationship namin is sobrang present. We really come from different genres—so different personalities, different characters as one.”
Kean Cipriano adds, “Para kaming iba’t ibang mutants na pinagsama-sama. Very humbling ‘yung experience sa Sessionistas kasi alam ko kapag sumasalang ako kasama ko sila, hindi siya tungkol sakin eh. It’s about the music, it’s about the message.”
A night of love, music, and gratitude, ayon naman sa isa sa mga producer ng Fire & Ice na si Ms. Liza Diño.
“The sessionistas are ready to make more memories with their fans, celebrating not only their collective musical legacy but also the personal journeys that have shaped who they are today. This second night is more than a performance—it’s a heartfelt thank you to the fans who have supported them every step of the way,” sabi pa ni Ms. Liza.
Love, Sessionistas is proudly presented by Fire and Ice Entertainment and produced by Fire and Ice LIVE, in partnership with Profero Aesthetics.
Noong Linggo ay sinabi ni Manong Chavit na hindi na niya itutuloy ang pagkandidato, sa ginanap na launching sa pamamagitan ng isang major concert sa MOA Arena ng pag-aaring bangko ng negosyante na VBank (Vigan Banco Rural Incorporada (VBRI).
Anyway, two weeks lang pagkatapos ng soft launching nito noong Disyembre 15, 2024, nakapagtala ang VBank ng 133,000 downloads ang mobile application nito at 105,000 bagong account.
Naging host sa nasabing grand launching sina Billy Crawford, Tuesday Vargas, at Eric Nicolas. Nag-perform naman sina Bamboo, Gloc-9, at KZ Tandingan.
Samantala, marami namang sumaludo sa negosyante sa pagba-back out nito upang unahin ang kanyang kalusugan.
Sana raw, bagama’t malakas physically ang ilang celeb na kumakandidato para sa midterms elections, maisipan din nilang mag-back out para sa ikabubuti ng ating bayan. Hehehe.
- Latest