Jak, hindi interesado sa partner!
Kahit na kakahiwalay pa lang ni Jak Roberto sa relasyon nito kay Barbie Forteza, hindi ito naging hadlang sa kanyang sinimulan na negosyo.
Sa Pera Paraan with Susan Enriquez, na/feature ang skincare products for men ni Jak na puwede ring gamitin ng mga babae.
Taong 2023 nang simulan ng hunk actor ang kanyang JC Essentials.
“Grabe, sobrang challenging po. Kasi una ‘yung papers, ‘yung mga business permit. Siyempre, ‘yung mga office. Kasi, requirements ‘yan para makapag-apply ka ng business permit. Doon ako naglabas ng kapital.
“One person corporation ako, e. Wala akong partners. Kaya ako talaga kailangan ‘yung gumalaw. Kailangan mag-isip ng strategies, mag-isip ng mga marketing. Kailangan meron kang logo, meron kang brand name, product name,” sey niya sa mga pinagdaanan niya sa negosyo.
“‘Yung mga tao naman, mas easy access sa kanila na magpa-deliver na lang. Order online kasi ngayon may mga free shipping naman,” sey ni Jak.
Ang best-selling product niya ay ang masculine wash na panlinis ng sensitive areas sa katawan ng lalaki.
“Genital wash siya. ‘Yung product po na ‘yun na masculine wash, pwede rin siya sa underarms, sa mga batok, sa legs, sa mga singit-singit. ‘Yung masculine wash, naisip ko kasi may friends ako na naghahanap, na dati bumibili pa sila sa ibang bansa. Hindi nila alam na meron na dito sa Pilipinas,” pagmamalaki niya.
Marco, pa-cute ang pa-birthday kay Ashley!
Hindi maitatanggi ang suporta ng Sparkle love team na sina Marco Masa at Ashley Sarmiento sa isa’t isa.
Sa 18th birthday ni Ashley noong Lunes (Jan. 13), isang sweet message ang ibinahagi ni Marco kung saan ipinakita rin niya ang ilan sa cute moments nila ni Ashley noon.
“ Can’t believe how long we’ve been friends already and it’s been a heck of a journey. Just know that we’re always here for you, rooting for you until sa first ever concert mo!”
Muling mapapanood ang love team nina Marco at Ashley sa ikalawang season ng hit youth oriented show na MAKA, na magsisimula na sa Jan. 25 sa GMA.
- Latest