^

Pang Movies

Abogado ni Darryl Yap nalito sa Vic?!; gag order, inilabas na!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Abogado ni Darryl Yap nalito sa Vic?!; gag order, inilabas na!
Darryl Yap

“Not true. False. They gave a script to Vic del Rosario, not Vic Sotto. Vic nor I never read their script,” tweet kahapon ni Senator Tito Sotto.

Kumalat nga kahapon ang sinabi ng legal counsel ni Darryl Yap na na­bigyan diumano ang kampo ni Vic Sotto ng kopya ng script ng The R*pists of Pepsi Paloma.

Particular na sinabi sa interview ni Atty. Fortun na ibinigay ang script nito sa pulitiko na kapatid ni Bossing Vic.

Tweet pa ni Sen. Tito na dapat alamin mo muna kung tama o hindi ang iniuulat.

Dagdag niya “Vic Del Rosario turned it down.”

Kaya naman medyo mabait na ang post ni Darryl Yap kahapon dahil lahat ang lahat ng kabilang sa kasong cyber libel na isinampa ni Vic Sotto laban sa filmmaker  ay inutusan ng Muntinlupa Regional Trial Court Branch 205 na huwag magsalita o talakayin ang mga kaso matapos pagbigyan ng korte ang mosyon ni Yap para sa pagpapalabas ng gag order noong Enero 10.

Aniya sa sinasabing lat post niya : “Posting the latest Order in my case.

“For the information of the public.

“I am enjoined from making any further comment.

“Narito po ang pinakabagong tugon sa reklamo

laban sa Inyong Lingkod.

“1. Nagkakamali ang Divina Law (ang abogado ng kabila) na may order na ang husgado na i-takedown ang aking promo materials para sa #TROPP #TROPP2025

The Rapists of #PepsiPaloma.

Wala pong takedown order.

“2. Ang hearing ay moved na sa Jan. 17.

Hintayin ng husgado ang kanilang sagot sa aking Motion for Consolidation

“3. Meron na pong GAG ORDER sa lahat,

di na kami pwede magpahayag tungkol sa merito ng kaso, para di magkaroon ng kaguluhan sa pag-iisip ng tao.

“Ito na po ang huling pagkakataon na magsasalita ako patungkol sa kaso at naway malinaw po ito sa lahat ng sumusubaybay.”

Lovi, nahirapang tingnan ang mga nawasak sa Calif wildfires

Maraming naghintay sa post ni Lovi Poe tungkol sa wildfires sa Los Angeles. Sa California na halos naka-base si Lovi kasama ang asawang British movie producer Monty Blencowe. At malapit lang sa Palisades, mayamang residential neighborhood na nasa pagitan ng Santa Monica Mountains at Pacific Ocean ang bahay nila Lovi.

Kaya marami agad pumuso sa kanyng post at kung paano niya nasaksihan ang nasabing trahedya: “The fires have hit LA hard, and it’s tough seeing so much loss. I’ve been watching the sky and hearing helicopters flying back and forth… In times of devastation, like the one we’re witnessing, it’s hard to find the right words.

“Though the road ahead is tough, the community is coming together—helping, supporting, and showing up for one another. It’s a reminder that even in the hardest times, we’re never alone. Even in the darkest times, the city will rebuild and shine again, stronger than before.”

Ogie, emosyonal sa pamanhikan

May naganap nang pamahikan sa anak ni Ogie Alcasid na si Leila sa singer na si Curtismith (Mito Curtis).

Nagli-live na sila at maalalang naglabas ng saloobin si Ogie na hindi siya favor sa ganung set up. Pero kung may pamanhikan na, may kasalan na ring magaganap.

Post ni Ogie : “ Last Night’s very emotional “pamanhikan”. Shelley ty for coming over and giving that beautiful speech which moved everyone. Baba, ty for songs that delighted the guests. Markie, we miss you here? but we we will see you soon. Ty Lord for uniting the all our Families to celebrate the love of Mito and Leila. Special thanks also to the Sibal Family for the sumptuous dinner and drinks for everyone. It was a wonderful blessing for all of us and we are all looking forward to the union of you both @curtismito and @leilalcasid we love you both.”

 

DARRYL YAP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with