^

Pang Movies

Kiko, inaming work in progress pa ang relasyon kay KC!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Kiko, inaming work in progress pa ang relasyon kay KC!
Sharon Cuneta at Kiko Pangilinan

“Work in progress” ang ginamit na deskripsyon ng mister ni Sharon Cuneta na si Atty. Francis “Kiko” Pangilinan sa relasyon niya ngayon with stepdaughter KC Concepcion.

Sa interview ni Karen Davila sa mag-asawang Sharon and Kiko, recently, ikinuwento ng Megastar ang naganap na reconcilia­tion nila ni KC nitong nakaraang Holiday Season.

Matatandaang ipinost din naman ng mag-ina sa kani-kanilang social media accounts ang kanilang pagkakaayos.

“Over the Holidays, we got to talk after two years,” kwento ni Shawie sa vlog ni Karen.

Naging honest naman si Mega sa pagsasabing hindi pa ‘okay’ si KC at ang mga half-siblings nito pati na nga with Kiko. Pero umaasa naman siya na magiging maayos din ang lahat.

“There’s still things to work on in terms of her relationship with her siblings or her dad (Kiko), pero kami, we’re okay. So, we’ll get there. Wala namang pwedeng ipilit,” sey ni Sharon.

“It’s a work in progress,” dagdag naman ni Kiko na inayunan ni Sharon.

“It’s a work in progress. That’s the best thing to say,” pag-agree ni Mega.

“And God is a faithful God, so…” dugtong ulit ni Kiko.

“And he (Kiko) loves her so much,” sey ni Shawie.

Matatandaang taong 2023 nang mapuna ng netizens ang pag-unfollow ni KC kay Kiko pati na rin kay Frankie, na panganay na anak nina Kiko at Sharon.

Hanggang sa inamin na rin ito ni KC sa panayam kay Cristy Fermin at sinabing mas gusto na muna niyang magkaroon ng peace of mind kaya siya nag-unfollow pero mahal na mahal naman daw niya ang kanyang pamilya.

Kris at Perry, matatapos na ang mansion sa Alabang!

Napakabongga naman pala ng ipinapagawang mansion ng mag-asawang Kris Bernal at Perry Choi sa Alabang.

Ipinasilip ng aktres sa kanyang latest vlog ang ongoing construction ng kanilang dream house na sa tantiya namin ay nasa 50% na’t makikita na kung gaano ito ka-grandiosa.

Sa hitsura pa lang ay tinatayang multi-million peso ang halaga ng mansion na tinawag nga nilang Casa Choi. Kahit hindi pa nga tapos ay makikita nang mala-palasyo ito sa sobrang laki.

Noong 2023 pa sinimulan ang construction ng bahay at sey nga ni Kris sobrang hands-on siya sa pagpapatayo nito.

“Very hands-on talaga ako dito sa construction ng house namin lalo na pagdating sa pagso-source ng suppliers, pagpipili ng mga tiles, ng mga kulay, raw materials, ako talaga lahat.

“Alam n’yo naman ako, ‘di ba? Kung sa negosyo ko, hands-on ako, sa lahat ng bagay, eh alam n’yo na, involved talaga ako,” ani Kris.

Ang theme raw ng bahay nila ay modern Mediterranean na may 4 na palapag kasama na ang basement na kinalalagyan ng dirty kitchen at 6-car garage.

Isa sa pinakamahal na parte ng bahay ay ang grand entrance na full glass daw mula ground floor to 2nd floor.

“Isa ito sa pinakamahal na investment namin ni Perry,” sey ni Kris.

Ipinakita nga rin ng aktres ang exterior and interior render ng bahay at sa totoo lang, nakakalula talaga sa pagka-bonggacious.

Komento nga ng isang viewer, parang bahay raw ng royal family.

SHARON CUNETA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with