Bossing Vic, protektado si Tali sa bullying
Apektado na si Tali, eldest nina Vic Sotto and Pauleen Luna, sa nangyayaring kontrobersiya sa ama dulot ng paglalabas ng teaser ng pelikulang The R*pists of Pepsi Paloma ng filmmaker na si Darryl Yap.
Ito nga ang inamin ng abogado ni Vic, si Atty. Buko dela Cruz – na isa raw sa rason ng 19 counts of cyber libel ng Eat Bulaga host ay para protektahan si Tali.
“‘Yung bata (Tali) binu-bully sa eskwelahan,” ayon sa abogado sa programa ni Tita Cristy Fermin.
Nakakatanggap din daw ang pamilya ni Vic ng mga pagbabanta.
“Yes, may mga rape threats, may threat na kikidnapin ang anak at ‘yung bata binu-bully sa eskuwelahan. Ito ‘yung mga bagay na hindi matanggap ni Bossing Vic na bakit pati ang pamilya ay nadadamay sa isang iresponsableng paghahayag ng mga bagay na wala namang katotohanan,” dagdag ni Atty. Buko.
- Latest