^

Pang Movies

Alawi nasunugan din ng bahay sa LA, eskwelahan ng anak ni Ruffa naabo

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Alawi nasunugan din ng bahay sa LA, eskwelahan ng anak ni Ruffa naabo
Ivana Alawi.
STAR/ File

Awss, nasunugan din pala ng bahay sa Los Angeles, California sina Ivana Alawi. Nag-post ng siya na “Outside our house rn. Pray for LA,” sabi niya kahapon sa kanyang Instagram story.

Maging ang mga Hollywood celebrities ay naabo ang mga bahay sa malawakang wildfire sa California kabilang ang Hollywood veteran na si Mel Gibson

Samantala, nasunog din pala ang school ng pamang­kin ni Richard Gutierrez na si Lorin, anak ni Ruffa Gutierrez.

Thankfully, hindi raw inabot ang condo nila dahil malayo ito sa sunog sa California ayon pa sa actor.

Bruno Mars, kamag-anak nila Richard

Speaking of Richard, naalala niya na kamag-anak nila si Bruno Mars.

Kuwento ng actor noong isang gabi, na busy sa kasaluku­yan sa pagpo-promote ng Incognito na mag-uumpisa nang mapanood sa Jan. 20, isang beses daw na nag-concert sa Pilipinas si Bruno Mars sa MOA Arena, ay nanood siya at kakambal na si Raymond.

Habang nanonood daw sila, nilapitan sila ng security ni Bruno at sinabing pinatatawag sila ng mommy ng Fil-American singer-songwriter na si Bernadette San Pedro Bayot.

Pumunta naman sila sa backstage at tuwang-tuwa raw ito (Mrs. Bayot) nang makita sila ni Raymond. At sinabing magkamag-anak sila sa side ng daddy niya, si Eddie Gutierrez.

Kuwento pa ni Richard, hanggang isinama pa sila sa after-party ng team ni Bruno pero mas matagal daw talaga nilang nakausap ang mommy nito.

But sadly, hindi nagtagal ay pumanaw ang ina ni Bruno kaya hindi na rin sila nagkaroon ng communication ng sikat na singer-songwriter. 

IVANA

RUFFA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with