Billy pinangalandakan na walang sakit
Naglabas ng resibo si Billy Crawford na nagpapatunay na maayos ang kalusugan niya kabaligtaran sa mga sinasabi ng mga basher na may health issue siya.
Ipinost nito ang resibo ng kanyang body composition analyzer na tila kuha habang nagbabakasyon sila sa resort na The Farm at San Benito at sinabi nito sa caption na gustung-gusto niyang pumunta roon dahil natututukan nila ang kalusugan nila roon, at may hashtag pang “#newyearnewyou.”
Sinabi rin niyang masaya siya sa resulta at sa mga nagsasabi raw na may sakit siya ay basahin daw ang mga numero roon. Hindi raw nagsisinungaling ang mga numero.
Naintriga kasing may sakit ang mister ni Coleen Garcia dahil sa malaking pagpayat nito.
Maaalalang nagsalita rin si Coleen para linawin ang issue tungkol sa weight loss ng mister niya nakaraang taon.
Napapagod na raw kasi sila sa paglinaw sa issue na nakakapikon na raw para kay Billy.
Sinabi ni Coleen na halos araw-araw ay nagpe-perform ang mister sa France noon kaya talagang papayat ito.
Pero hindi naman kumbinsido ang ibang netizen dahil hindi raw sapat iyon para masabing malusog ang isang tao na timbangan lamang ang basehan.
‘Kaloka.
- Latest