^

Pang Movies

May asawang female personality, may lihim na lalaki

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Tuloy ang ligaya sa isang female personality at isang showbiz newbie na hindi naman masyadong nabibigyan ng break sa showbiz.

Eh mayaman naman si female personality kaya sunod ang luho niya, huh!

Pero si female personality, parang companionship na lang ang relasyon niya sa asawang negosyante kahit meron silang anak.

Ang latest na issue sa female personality at sa kept boy niya, may sarili na silang love nest, huh! Tutal naman, ang relasyon ni female personality sa asawa eh wala nang init kaya si kept boy na ang kanyang kinahuhumalingan ngayon!

Hindi naman masyadong malayo ang pugad ng lovers pero mataas ang kinalalagyan nila at mahigpit ang bantay, kaya bihira lang makita ng mga nasa ibaba!

Mautak si female personality kaya marunong gumawa ng diskarte pagdating sa lalaki niya, huh!

Rufa Mae, wala nang panahon sa asawa

Napansin ng netizens ang absence ng asawa ni Rufa Mae Quinto na mag-isang hinarap ang reklamo sa kanya kaugnay ng Dermacare.

Abogado ni P-Chy ang kanyang kasama sa lahat ng lakad para ayusin ang pagsuko at paglagak ng piyansa.

Eh may magtatanong sana tungkol sa asawa niya pero parang napigilan siya kaya walang Trevor Magallanes na asawa ni Rufa na nabanggit sa mga pahayag ng seksing komedyante!

Uunahin raw niya ang kanyang anak pagkatapos ayusin ang mga reklamo na nagsabing, “Komedyante ako at hindi negosyante!”

RUFA MAE QUINTO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with