^

Pang Movies

‘May ebidensya!’

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
âMay ebidensya!â
Pauleen at Vic

“All the way. No question asked” ang sagot ni Pauleen Luna-Sotto sa tanong ng press kung paano niya sinusuportahan ang asawang si Vic Sotto na nagsampa ng 19 counts of cyber libel case kahapon.

Sa tanong pa kung kumusta siya? “I’m okay, were just praying. We trust the justice system of the Philippines,” sagot pa ni Pauleen.

Sa follow-up question pa kung ano ang reaction niya sa teaser ng movie na nabanggit ang pangalan ni Vic, “Katulad lang ng reaksyon ng asawa ko. Pareho lang po. Of course, as parents and as his wife, naapektuhan po kami.”

Sa interview ni MJ Marfori ng TV5, nabanggit ni Pauleen na naka-save ang screenshot ng mga post (hindi nito binanggit kung kaninong post) bilang ebidensya. “We have evidences,” wika nito.

Nineteen counts of cyber libel ang demanda ni Vic at kasama sa kinasuhan ang mga nag-repost post ni director Darryl Yap, pero iba ang kaso nila. “Damay-damay na ‘to pati ang mga nag-repost,” sabi ng lawyer ni Vic na si Atty. Buko dela Cruz ng Divina Law Firm.

Hinahanap pa kung sino ang producer ng pelikula ni direk Darryl dahil hindi tinanggap ng Viva Films ang project nang i-pitch ng director. Sino nga kaya ang producer ng movie na sabi ng director, sa Feb­ruary 2025 na ang showing.

Barbie, nag-ala Julia Roberts!

Ini-enjoy ni Barbie Forteza ang pagiging single, lumalabas siya at nagkakape na mag-isa. Well, baka may kasama siyang lumalabas, ‘yung taga-kuha ng video.

Noong isang araw, nasa Amberlyn’s Cafe siya na nasa Maginhawa St., Quezon City at habang nagkakakape at kumakain ng dessert, nagbabasa rin ng libro.

Nasundan ito ng pagpunta niya sa Cafe Noms (hindi lang nabanggit kung saang branch dahil marami itong branches sa Quezon City). Dala pa rin ni Barbie ang book na binabasa noong nasa Amberlyn’s Cafe siya.

Reaction ng netizens ay parang bagay kay Barbie ngayon ang movie ni Julia Roberts na Eat, Pray, Love na ang message ay self-discovery and the pursuit of personal fulfillment.

Sanya, dedma sa pangungulit sa kapatid

Kay Sanya Lopez kinukumusta si Jak Ro­berto ng fans nito dahil matagal na ring hindi nagpaparamdam ang aktor after aminin ni Barbie Forteza na break na sila. Mga comment na “how is your kuya na miss na siya ng mga fans niya sabihin mo update siya sa IG.”

May nakiusap naman kay Sanya na sabihin kay Jak na mag-vlog uli ito na kasama ang aktres. So far, wala pa siyang sagot sa mga naghahanap sa kuya niya na last time nakita in public ay noong New Year Countdown sa Makati City. May post si Jak sa kanyang IG, kaya nalaman kung nasaan siya.

 Kaibigan ni Jak si Gab Valenciano na nag-perform yata sa NYC sa Makati kasama ang ama nitong si Gary Valenciano. Si Paolo Valenciano naman ang director ng NYC, kaya he was with friends.

May pangako si Jak kay Boy Abunda na magsasalita siya about the breakup, kapag ready na siya at hinihintay na ito ng tao.

VIC SOTTO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with