Rufa Mae, mas kinaawaan kesa kay Neri
Naawa ang netizens kay Rufa Mae Quinto dahil sa hinaharap nitong kaso na hindi naman siya involved. Ang positive ng reaction sa pagsuko niya sa NBI pagkarating galing ng Amerika. Mga comment na “Go Go Goo” na kanyang pinauso ang karamihan sa aming mga nababasa.
May mga comment pa na “Malalagpasan mo ito Peachy,” “Praying for you,” “Stay strong.”
May ilan namang pinuntirya ang husband nito na tinawag ng netizen na ingrate. Sumabay daw ito sa kaso ni Rufa Mae with the divorce case.
Ang tanong ng marami, nasaan na si Chand Atienza? Siya ang owner ng Dermacare na nagpahamak kina Rufa Mae at Neri Naig. Ito raw ang dapat huliin, kasuhan at ikulong at hindi ang mga endorser.
Hindi lang naiwasan ng netizens na ikumpara ang pagkakahuli kay Neri at pag-surrender ni Rufa Mae.
Nang arestuhin daw si Neri, na-judge agad siya, pero kay Rufa Mae, suporta at simpatiya ang nakuha niya sa mga tao.
Dennis, pulos pasasalamat
Mukhang nakalimutan na ang “May ABS pa ba?” isyu kay DennisTrillo after the showing of Green Bones at pagkatapos niyang manalo ng Best Actor sa MMFF 2024. Wala nang masyadong nakaalala sa isyu na ‘yun (mga hardcore Kapamilya fans na lang) at kadalasan, puro papuri sa husay niyang aktor ang mababasa.
Kaya ang latest post ni Dennis, puno ng pasasalamat at gratitude sa kumbaga, another shot niya sa stardom. “Hindi ko akalain na sa tagal ko nang artista ay ngayon ko lamang masasabi ito... This is probably the best moment of my career as an actor.
“Wow... just wow, literal na dream come true. Gusto ko lang i share sa inyo, kung gaano kasarap sa pakiramdam... than you GREEN BONES #magingmabutingtao.”
Samantala, patuloy ang mga block screening for Green Bones at tiyak na bago magtapos ang 2024 MMFF na na-extend for one week, may mga hahabol pang screenings.
Dalawang projects ni Dennis., ang movie nila nina Jennylyn Mercado at Sam Milby na Everything About My Wife, magro-romcom muna ang actor. Balik naman siya sa pagiging serious actor sa international series na Severino, kung saan, gaganap siyang serial killer priest.
Gabbi at Khalil, sabay bumili ng sasakyan
Parehong may mga bagong car ang magjowang Gabbi Garcia at Khalil Ramos, Christmas gifts siguro nila sa kanilang sarili dahil sa hardwork at sipag na ginawa nila last year.
Si Khalil ang unang nag-post at nagbalita na “Dream car unlocked. We’re ready for you, 2025.” Ang dream car na tinukoy ni Khalil ay ang Toyota Land Cruiser Prado at ang una niyang pasahero sa bagong sasakyan ay ang GF na si Gabbi.
A few days ago, si Gabbi naman ang nag-share ng good news. Sa Instagram Story, pinost nito ang photo ng brand-new Toyota car na may kasamang blue ribbon na nakalagay sa hood ng sasakyan.
“Happy New Year to me,” caption ni Gabbi sa kanyang post.
Samantala, sa rami nang nag-congratulate kay Khalil, may sumingit na comment na ‘wag daw maghihiwalay sina Khalil at Gabbi, hindi raw niya kakayanin. May kinalaman ang comment na ito sa break-up nina Barbie Forteza at Jak Roberto. Nagpapaalala lang naman ang netizen at walang masama sa ginawa niya.
- Latest