Direk Lino, ‘di makalimutan ang ginawa sa tatay
Birthday ni direk Lino Cayetano at gusto ko talagang special ang maging bati ko sa kanya.
Napakabait na tao ni direk Lino Cayetano kaya hangang-hanga ako sa kanya. ‘Yung gesture niya na ibigay ang part ng katawan niya para ma-save ang father niya ay isang malaking bagay na dapat hangaan talaga.
Imagine mo na buong puso mong inalok ang katawan mo para maligtas ang magulang mo, isang sacrifice na napakalaki.
Kaya naman ganuon kalaki ang paghanga ko kay direk Lino. Kaya ngayong birthday niya, we wish him all the best, good, and precious things in life.
Happy Birthday, Direk Lino Cayetano, soon to be congressman.
‘Makakalimutin na’
Siguro makakalimutin na ako.
Talagang 78 na ako dahil malilimutin na. Kaya nga kahit gusto kong sumama sa rampahan, hindi ko na magawa dahil kawawa naman si Gorgy Rula na mag-aalaga sa akin, hah hah.
Ayoko namang mag-wheelchair noh, parang hindi cute. Kaya wala munang rampa para sa akin. Stay put muna ako at regular ang dialysis ko na twice a week. I live by the day. When I wake up good, fine. When I wake up weak, rest lang buong araw.
Pero guilty ako to admit na kung minsan parang pagod na ako, ‘seen that, done that’ ang attitude ko. Kaya minsan nagiging naughty ako na makaisip ng mga kagagahan.
Life has been good to me. I cannot complain or regret anything. God is so good, na kahit meron akong mga nagawang kagagahan, tinutulungan pa rin niya akong bumangon.
I have good and reliable friends, very few, pero dependable. Kaya naman laging malakas ang loob ko. Dahil I know people, good people are watching my back. Moving forward this year, na sana much better pa sa nakaraan 2024.
Love you, 2025, make us happy, healthier, stronger. Para bonggang-bongga.
- Latest