^

Pang Movies

Nanay ni Julius, isinugod sa hospital habang nasa bakasyon sa Japan

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Nanay ni Julius, isinugod sa hospital habang nasa bakasyon sa Japan
Julius Babao at Nanay Cena.
STAR/ File

Sa Tokyo, Japan nag-spend ng Christmas holidays ang mag-asawang Julius Babao at Christine ‘Tintin’ Bersola-Babao kasama ang kanilang dalawang anak na sina Toni at Nio, Toni’s boyfriend and Julius’ mom na si Mommy Cena.

Dahil wintertime ngayon sa Japan, sobrang lamig dun na hindi nakayanan ni Mommy Cena na nagka-convulsion.  Sa tulong ng hotel staff, agad nagpatawag ng ambulance para dalhin sa pagamutan ang ina ni Julius na agad naman nabigyan ng medical attention.

Inakala ni Julius na maku-confine si Mommy Cena sa hospital pero matapos itong mabigyan ng gamot ay agad na-discharge ang kanyang ina bagay na ipinagpasalamat ng mag-asawang Julius at Tintin.

Sobrang nabahala ang mag-asawa na inakala nilang hindi na nila mai-enjoy ang kanilang Christmas vacation in Japan pero sa susunod nilang trips abroad ay hindi na umano nila isasama si Mommy Cena dahil ayaw na nilang maulit ang nangyari sa Japan trip nila.

“Nasanay na kasi si Mommy na parati siyang kasama sa mga biyahe namin abroad,” pahayag ni Julius.

“Ayoko naman siyang iwan lang sa bahay baka magtampo but this time alam na niya na hindi na siya puwedeng mag-travel laluna kung malamig ang panahon,” dagdag pa niya.

Well-travelled ang mag-asawang Julius and Tintin kasama ang kanilang mga anak at si Mommy Cena. Iba ang kanilang family travel at iba naman ‘yung silang mag-asawa lamang na itinataon nila sa kanilang wedding anniversary.

Ang mag-asawang Julius and Tintin will celebrate their 22nd anniversary bilang couple ngayong Dec. 8, 2025 (Feast of Immaculate Concepcion).

Samantala during our after New Year’s dinner get-together treat from the couple at A Mano’s Italian resto in Shangri-La Plaza nung isang gabi, ikinuwento ng mag-asawa na may boyfriend na umano ang kanilang panganay na si Toni – 19 na isang Irish-American who spent the holidays with them at sumama pa sa kanilang Christmas vacation sa Tokyo, Japan.

Nineteen years old din ang first boyfriend ni Toni na nakilala niya online. Pareho silang cosplayer kaya they have something in common.

Cesar, all-out ang suporta kay Atong Ang

Masaya ang actor-director at movie producer na si Cesar Montano para sa kanyang ex-wife na si Sunshine Cruz dahil muli itong nakatagpo ng bagong mamahalin sa katauhan ng kilala at controversial gaming businessman na si Charlie ‘Atong’ Ang. Hinangaan din ng actor ang pag-amin ni Atong sa relasyon nila ngayon ni Sunshine na ngayon lang nagong open sa kanyang karelasyon.

Nakikita rin ni Cesar na tanggap ng kanyang tatlong anak kay Sunshine na sina Angelina, Sam at Cheska ang relasyon ng kanilang ina kay Atong.

Although maraming taon ding hindi naging maganda ang relasyon ng dating mag-asawa after their separation nung 2013, umabot din ng halos siyam na taon bago na­ging magkaibigang muli ang ex-couple.

Sa dalawa, mas naunang nagkaroon ng relasyon sa iba si Cesar. Nauna ang dating beauty queen na si Sandra Seifert kung kanino siya may eight-year-old son na si Corinth Ian. May tatlo na ring anak ang actor sa kanyang present partner na si Socorro ‘Kath’ Angeles na sina Liam, Samnuel at Kristen na kaibigan na rin ni Sunshine.

Masaya ang actor ngayon dahil magkaka-close ang kanyang mga anak including Diego Loyzaga, na anak naman niya sa aktres na si Teresa Loyzaga, at kung kanino siya may isa nang apo na babae.

Vice, napiga sa Breadwinner!

Hindi maikakaila na acting piece for Vice Ganda ang kanyang latest Metro Manila Film Festival movie, ang And the Breadwinner Is… na mula sa panulat at direksiyon ni Jun Robles Lana at co-production ng Star Cinema and The IdeaFirst Company.

Bukod sa nangunguna sa takilya ang bagong movie ni Vice, sobra rin niyang maipagmamalaki ang pelikula dahil napiga siya nang husto ni Direk Jun hindi lamang bilang isang mahusay na ko­medyante kundi bilang isang dramatic actor.

CENA

JULIUS BABAO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with