Marco at Heaven, engaged na?!
Engaged na ba ang ang magdyowang sina Marco Gallo at Heaven Peralejo?
Ito ang tanong ng netizens ngayon dahil sa video na ipinost ng aktor sa kanyang Instagram account.
Nag-post kasi si Marco ng collection ng video calls nila ni Heaven habang magkalayo sila.
Base kasi sa recent postings ni Marco ay nasa Italy siya kasama ang kanyang pamilya. Filipino-Italian ang aktor at ipinanganak siya sa Italy.
“Distance means so little when someone means so much,” caption ni Marco.
Sagot naman ni Heaven, “omg this is so cute??!!!! ugh come home na i miss you.”
Pero ang nakanakaw ng atensyon ng netizen, sa isang bahagi ng video ay namataang “fiancé” ang name ni Heaven sa cellphone ni Marco.
Kahapon, Jan. 3, ay kaarawan ni Marco at may sweet na birthday greetings sa kanya si Heaven.
“Met at 16, life took us on separate paths, and 7 years later, The Rain in España (ty viva!!!) brought us back together. Happy birthday to my soulmate, my best friend, and the one who feels like home. uno!” ang pagbati ni Heaven sa boyfriend.
Komento naman ni Marco, “So bale 9 yrs na tayo? Edi meow.”
Sey pa ng aktor, “I was 15 yrs old nung ikw ay na meet, napahanga ako sa taglay mong bait.”
Sagot naman ni Heaven, “tangina kahit jejemonster ka mahal parin kita.”
Barbie Imperial, nag-react sa split ng JakBie!
Nadamay pa nang ‘di oras si Barbie Imperial sa breakup nina Barbie Forteza at Jak Roberto.
Sa Facebook post ni Barbie I. ay binulabog siya ng netizens tungkol sa hiwalayang JakBie at pinagkamalan siyang si Barbie F.
Sey ng isang netizen, “HIWALAY NA PALA KAYO NI JAK PERO MASAYA KA PA.”
Nag-react naman dito si Barbie I. Sagot niya, “???”
Komento pa ng isa, “literal na glow up after break up, anw, cheer up po.”
Ang isa naman ay pinayuhan pa si Imperial na maging matatag.
Sey naman ng isa pang netizen, “No more JAKBIE Praying for your healing.”
Hindi na nag-react si Barbie I. sa iba pang mga komento.
Matatandaang last Jan. 2 (Thursday) ay ginulat ni Barbie F. ang lahat nang ianunsyo niya sa kanyang Instagram ang hiwalayan nila ni Jak.
Sa ngayon ay hindi pa nagre-release si Jak ng statement tungkol dito.
- Latest