Pelikula ni Darryl kay Pepsi Paloma, nag-viral!
Viral at pinag-uusapan ngayon ang teaser ng pelikulang The Rapists of Pepsi Paloma na inilabas ng direktor na si Darryl Yap sa kanyang Facebook page sa pagsisimula ng taong 2025.
Sa mga hindi aware, si Pepsi ay dating sexy star na sumikat noong dekada ‘80. Kabilang siya sa softdrink beauties na alaga ng pumanaw nang talent manager na si Rey dela Cruz.
Taong 1982 nang maging isang malaking issue ang pagsasampa ng kasong rape ni Pepsi.
Pero kalaunan ay inurong din ng sexy actress ang kaso.
Pumanaw si Pepsi noong May 31, 1985 sa pamamagitan ng pagkitil sa kanyang sariling buhay.
Last year ay inanunsyo ni Darryl na gagawa siya ng pelikula tungkol sa rapists ni Pepsi na tulad niya ay isa ring taga-Olongapo.
Sa isa pa niyang post ay sinabi niyang ilalabas lang daw niya nang walang labis at walang kulang kung ano ang nangyari.
Andrea, may mensahe sa basher
Inalmahan ni Andrea Brillantes ang isang basher na nagsabing baka raw niretoke lang ang kanyang face kaya siya maganda.
Sa kanyang TikTok account ay ipinost ng aktres ang kanyang face card when she was nine years old at sinabing noon pa raw ay maganda na siya with or without enhancements.
Marami naman sa netizens ang sumang-ayon sa aktres.
Matatandaang si Andrea ang nakakuha ng no. 1 spot sa 100 Most Beautiful Faces na inilabas ng TC Candler bago matapos ang taong 2024.
Masayang-masaya naman ang aktres sa rekognisyong natanggap.
“Napakalaking honor po na maging top 1 sa 100 Most Beautiful Faces ng TC Candler. This isn’t just about beauty, it’s about confidence, uniqueness, and embracing who you are,” pahayag ni Blythe sa panayam ng ABS-CBN.
“Kaya sana ma-inspire ko po kayong lahat to celebrate your own kind of beauty,” aniya pa.
- Latest