^

Pang Movies

Kathryn, nakiuso sa pagkain ng ubas sa ilalim ng mesa!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Kathryn, nakiuso sa pagkain ng ubas sa ilalim ng mesa!
Kathryn Bernardo

Aliw ang video ni Kathryn Bernardo na kumakain ng grapes sa ilalim ng mesa bilang pampabuwenas sa pagpasok ng Bagong Taon.

Ipinost ng ina niyang si Mommy Min Bernardo sa Instagram ang selebrasyon ng kanyang pamilya sa pagpapalit ng taon at kabilang na nga rito ang pagkasa ni Kathryn sa nauusong “12 grapes under the table” challenge.

Isa nga mga pamahiin kasi ang pagkain ng 12 grapes sa loob ng unang minuto ng taon ay magdadala ng swerte sa buong isang taon.

Mapapanood sa video na enjoy na enjoy ang aktres sa pagkain ng grapes under the table. Makikita rin na nakasuot pa siya ng polka dot blouse dahil pinaniniwalaan nga ring swerte ang hatid ng pagsusuot ng polka dot sa pagpapalit ng taon.

Makikita ring sa masayang-masaya ang buong pamilya ni Kath sa pagsalubong ng bagong taon sa bagong bahay na kanyang ipinagawa.

Matatandaang last year lang lumipat si Kath at ang kanyang pamilya sa bahay na kanyang ipinagawa. Nagkaroon sila ng house blessing last April, 2024 na dinaluhan pa ni Alden Richards, ang ka-loveteam niya at leading man sa blockbuster film na Hello, Love, Again.

Kim, maraming ‘di makalimutan sa 2024

Para kay Kim Chiu, napakaswerte ng taong 2024 sa kanya at kung pwede nga raw ay ayaw na niya itong matapos.

Sa isang 5-minute video na ipinost ni Kim sa kanyang Instagram account ay makikita ang mga magagandang pangyayari sa kanyang buhay nitong nagdaang 2024 at labis niya itong ipinagpapasalamat lahat.

“#2024, what a year! I am truly grateful and blessed to have experienced so much in just 12 months. Thank you for being a part of this incredible journey. If there are words beyond ‘thank you,’ that’s what I want to say to each of you Here’s to making #2024 the most unforgettable year yet! CHEERS TO more fruitful, answered prayers, amazing year to come #2025,” caption ni Kim.

Sa video voice-over ng aktres, aniya, “You’ve (2024) been a year I will never forget, a year that I wish didn’t have to end.”

Bagama’t may trials and challenges din daw siyang hinarap sa kanyang personal na buhay ay nalampasan naman daw niya ito at mas naging matibay.

“2024 hasn’t been without its trials. There were personal challenges, moments of doubt, and a heartbreaking loss of a loved one who is no longer with us.

“But despite it all I stand here stronger, wiser, and more resi­lient. These trials taught me to cherish every single moment, to love harder, and be present in the moment.

“Through it all, I experienced immensed personal growth, opportunities knocked on my door when I least expected them.

“And with each one, I learned more about myself, my purpose, and the limitless potential that life has to offer,” saad pa ng dalaga.

Patuloy niya, “2024 has been a year of magic, challenges, and triumphs. I still can’t believe everything you’ve been given me and my heart is over the moon with gratitude.”

At sa pinakahuli, hindi nakalimutang pasalamatan ni Kimmy ang matagumpay na loveteam nila ni Paulo Avelino gayundin ang kanilang KimPau fans.

“To all our beloved supporters and as a team, maraming, maraming salamat,” mensahe ng aktres sa KimPau fans.
 

KATHRYN BERNARDO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with