Aga, ‘di na bago sa dark
Alam mo, Salve A., napanood namin ang pelikulang mystery crime-thriller and revenge drama movie na Uninvited na pinagbidahan nina Vilma Santos, Aga Muhlach at Nadine Lustre na pinamahalaan ni Dan Villegas mula sa script ni Dodo Dayao and we found the movie compelling and very competitive against the nine other entries ng ongoing 50th Metro Manila Film Festival.
Vilma Santos was a very strong contender for Best Actress, Aga Muhlach as Best Actor at Nadine Lustre as Best Supporting Actress but neither of the three ay hindi nabigyan ng pagkilala at pagpapahalaga.
Worse, ni hindi pa nga na-nominate si Aga for the Best Actor plum. Hindi rin nominado si Direk Dan Villegas bilang Best Director kahit maganda at pulido ang pagkakagawa ng pelikula.
Pero hindi ito ang unang pagkakataon na gumanap si Aga ng isang dark character. May ginawa na rin siya noong 1996 sa pamamagitan ng psychological thriller drama movie na Sa Aking Mga Kamay kung saan niya naging kabituin sina Christopher de Leon, Chin-Chin Gutierrez, Kier Legaspi, Amy Austria and the late Robert Arevalo na pinamahalaan ni Rory Quintos mula sa istorya ni Olivia Lamasan at screenplay nina Ricky Lee, Mel Mendoza-del Rosario at Benjou Elgincolin and joint production ng Regal Films at Star Cinema.
As always, ipinakita ni Vi ang kanyang husay sa pag-arte.
Malinis ang pagkakalatag ng kuwento ng Uninvited, ang pagkaka-execute ng characters at kabuuan ng pelikula enough for the movie to earn accolades from the award-giving body ng MMFF.
Now we understand kung bakit maraming netizens ang naglabas ng kanilang saloobin sa ginawang ‘pang-iisnab’ ng jurors sa pelikulang Uninvited na nakapag-uwi lamang ng special award bilang Best Float na tila pampalubag-loob.
Pero sa kabila ng halos walang naiuwing parangal ang pelikulang Uninvited, dagsa pa rin ang mga manonood sa nasabing pelikula nang ito’y aming mapanood sa Cinema 9 ng Gateway Malls nung nakaraang araw, kasama ang aming pamilya na gandang-ganda rin sa pelikula.
- Latest