Ranking ng MMFF, inaasahang magbabago!
Alam mo, Salve A., tatlong pelikula pa lamang among the 10 entries ng ongoing 50th Metro Manila Film Festival ang aming napapanood, ang The Kingdom, Green Bones at My Future You kaya pito pa ang aming bubunuin until the end of the filmfest on Jan. 7, 2025 at kasama na rito ang Espantaho, Uninvited, Isang Himala, And the Breadwinner Is…, Topakk, Hold Me Close at Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital.
Agree kami sa MMDA and MMFF Chairman na si Atty. Don Artes na lahat magaganda ang entries sa 50th MMFF at walang tapon sa sampung kalahok. Magkakatalo na lamang dito ang budget ng mga manonood kung kaya nilang panoorin ang sampung pelikulang kasali.
Puwede namang magbago ang ranking ng ibang entries ngayong tapos na ang Gabi ng Parangal ng MMFF na ginanap sa The Theater at Solaire nung nakaraang Sabado ng gabi, Dec. 27, 2024 kung saan tinanghal na Best Actress si Judy Ann Santos ng Espantaho at Dennis Trillo bilang Best Actor mula sa pelikulang Green Bones na nakapag-uwi ng anim na awards including Best Picture, Best Supporting Actor for Ruru Madrid, Best Child Performer na si Sienna Stevens, Best Screenplay for National Artist for Film and Broadcast na si Ricky Lee and Anj Atienza and Best Cinematography for Neil Daza. Tig-limang awards naman ang nakuha ng The Kingdom at Isang Himala.
Nakopo ng The Kingdom ang 2nd Best Picture, Best Director for Michael Tuviera, Best Production Design for Nestor Abrogena, Best Visual Effects (Riot, Inc.) at Gatpuno Antonio J. Villegas Cultural Award. Limang tropeo rin ang nasungkit ng musical movie na Isang Himala – 4th Best Picture, Best Supporting Actress for Kakki Teodoro, Best Original Theme Song – Ang Himala ay Nasa Tao na magkatulong na sinulat nina Vincent de Jesus at Ricky Lee and interpreted by JK Labajo, Best Musical Score for Vincent de Jesus at a Special Jury Prize.
Apat ang napanalunan ng pelikulang My Future You ng Regal Entertainment na pinagbidahan nina Francine Diaz at Seth Fedelin – 3rd Best Picture, Best Director for Crisanto Aquino, Best Editing(Vanessa Ubay de Leon) at Breakthrough Performance Award for Seth Fedelin.
Dalawa naman ang nakuha ng pelikulang Topakk na pinagbidahan nina Arjo Atayde at Julia Montes- Special Jury Prize at Best Float na siya ring napanalunan ng Uninvited nina Vilma Santos, Aga Muhlach at Nadine Lustre. Isa lamang ang naiuwi ng And The Breadwinner Is…. na pinangunahan ni Vice Ganda – Special Jury Citation for Vice Ganda at isa naman for Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital – Best Sound for Ditoy Aguila. Best Jury Award naman ang nakuha ng Topakk gayundin ang Fernando Poe Jr. Memorial Award for Excellence.
Hindi man lamang nakakuha kahit isang award ang pelikulang Hold Me Close ng Viva Films na pinagbidahan nina Julia Barretto at Carlo Aquino mula sa panulat at direksiyon ni Jason Paul Laxamana.
Si dating Pangulong Joseph ‘Erap’ Ejercito (Estrada) naman ang pinarangalan ng Lifetime Achievement Award.
Mga pumanaw sa showbiz, box office, tumatak sa 2024
Tiyak na malungkot ang pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon nina AiAi de las Alas at Rufa Mae Quinto dahil bago magtapos ang taong 2024 ay nahiwalay sila sa kanilang respective (ex) husbands na sina Gerald Sibayan at Trevor Magallanes.
Ito rin ang unang Pasko na hindi kapiling ng aktres na si Andi Eigenmann ang kanyang inang si Jaclyn Jose na pumanaw nung March 2, 2024, gayundin ang head ng Dreamscape Entertainment na si Deo Endrinal na sumakabilang-buhay nung Feb. 3, 2024.
Nung May 23, 2024 ay namaalam din ang kilalang talent manager na si Leo Dominguez. Magkasunod namang pumanaw ang mag-asawang Father Remy Monteverde at Regal matriarch na si Mother Lily Monteverde. Nung July 30, 2024 si Father Remy habang nung Aug. 4, 2024 naman si Mother Lily. Ito rin ang unang Christmas na hindi sila kapiling ng kanilang mga anak, children in laws at mga apo.
Masayang-masaya naman ngayon sina Kathryn Bernardo at Alden Richards dahil gumawa muli ng record ang kanilang second team-up sa pelikula, ang Hello, Love, Again na pinamahalaan ng record-breaking director na si Direk Cathy Garcia-Sampana and jointly produced ng ABS-CBN’s Star Cinema at GMA Pictures.
Although this year lamang nagkahiwalay sina Sue Ramirez at mayor ng Victoria City na si Javi Benitez, agad namang nakahanap ng bagong boyfriend ang actress sa katauhan ng ex-fiance ni Bea Alonzo na si Dominic Roque.
- Latest