Barbie at Jak, split na?!
Walang photos si Jak Roberto na kasama si Barbie Forteza at ang pamilya nito noong Christmas Eve kaya may mga nag-isip na agad na break na ang dalawa. Idagdag pa na wala silang sightings nitong mga nakaraang araw at ang last post ni Jak sa kanila ni Barbie ay noong Dec. 3, birthday ni Jak.
It turned out na sa lola niya na nakatira sa Bulacan nag-Christmas si Jak, kaya wala siya kina Barbie. Bukod sa kanyang lola, nakasama rin niya raw ang ilang kamag-anak na tuwang-tuwa tiyak na makita ang aktor.
On the other hand, nasanay lang ang fans na makitang tuwing may special occasion, sila Barbie at ang pamilya nito at sa bahay ng aktres pumupunta si Jak.
Pero nagawan nga ng intriga na baka hiwalay na sila.
Samantala, pagbigyan kaya ng GMA 7 ang request ng fans nina Barbie at Jak na ngayong tapos na ang Pulang Araw ni Barbie, sana, sila naman ang pagsamahin sa teleserye.
Unless, may bagong project ang BarDa. Kapag nangyari ito, si David Licauco pa rin ang makakasama ni Barbie at hindi si Jak.
Maris at Anthony, nakakalabas-labas na
Ayaw pang mag-move on ng tao sa nangyari kina Maris Racal at Anthony Jennings parang sa kanila may kasalanan ang dalawa.
Nang dumalo si Anthony sa Christmas Party ng cast ng Incognito at mapanood sa video na nag-enjoy ito at sayaw nang sayaw, na-bash siya ng netizens. May mga nagtanong pa kung bakit nasa party siya na malamang, inimbita kaya dumating.
Heto naman si Maris, nang makitang nasa sinehan yata kung saan palabas ang And The Breadwinner Is... ang dami agad negative comments. Madali raw makalimot ang tao at welcome pa rin sa kanila si Maris.
Gusto yata ng netizens na ‘wag siyang lapitan ng tao o kaya’y personal na i-bash.
Sorry na lang sa galit kay Maris dahil ang dami pa rin nitong supporters at tiyak, kabilang ang fans nito sa pumila para panoorin ang movie ni Vice Ganda.
Kabilang sa cast ng movie sina Maris at Anthony.
Alden, sinuportahan si Dennis
Nagpa-block screening si Alden Richards ng Green Bones bilang suporta kay Dennis Trillo na kasama at kaaway niya sa katatapos na Pulang Araw kagabi. Magkaaway man ang kanilang mga karakter, magkaibigan ang dalawa off cam.
Dumalo sa pa-block screening ni Alden sina Dennis at Ruru Madrid at present din ang mga kasama nila sa PA na sina Barbie Forteza, Jay Ortega, at Sanya Lopez at si GMA Pictures President Atty. Annette Gozon-Valdes.
Ibig sabihin, hindi pa nakakaalis sila Alden na kasama ang pamilyang magbabakasyon sa Amerika. Doon na rin nito ise-celebrate ang kanyang birthday sa Jan. 2, 2025, kaya wala siya sa New Year Countdown ng GMA Network.
Si Alden at mga pelikula niya ang madalas may block screening, this time, siya naman ang nagpa-block screening.
“Na-curious ako sa magagandang review at excited akong mapanood,” sagot niya nang tanungin ni Aubrey Carampel ng GMA news
For sure, nagandahan si Alden sa Green Bones at lalo itong magnanais na gumawa ng pelikula directed by Zig Dulay.
- Latest