^

Pang Movies

Vic, Aga, Dennis, malakas ang salpukan sa parangal?

Salve V. Asis - Pang-masa
Vic, Aga, Dennis, malakas ang salpukan sa parangal?
Vic

MANILA, Philippines — Ngayong gabi na magaganap ang Gabi ng Parangal ng Metro Manila Film Festival.

Ang hulaan, magsasalpukan sina Aga Muhlach (Uninvited) at Dennis Trillo (Green Bones) sa Best Actor. Ganundin si Vic Sotto sa The Kingdom.

Andaming hula actually, pero base lang ‘yan sa mga napanood ng maraming entertainment media.

Kung sabagay, sabi nga, de kalidad ang 10 pelikulang entries ngayon, walang pambata na parang nakaapekto sa box office returns.

 This year, parehong sumabak sa drama sina Vic at Vice na karaniwang hinihintay sa fantasy ng mga bata tuwing Pasko.

Obviously, nag-concentrate ang mga producer sa horror at drama dahil mismong si MMFF Chair Don Artes ang nagsabing walang nag-submit na pambata.

Anyway, maraming umaasa na papalo pa sa takilya ang mga pelikula pagkatapos ng awards night ngayong gabi.

Julia, aral na raw kay Coco

Duguan at bug­bog-sarado si Julia Montes sa pelikulang Topakk na pinagbibidahan nila ni Arjo Atayde.

Hardcore action ang pelikulang Topakk na isa sa official entries sa 50th anniversary ng Metro Manila Film Festival.    

Kaya naman talagang gigil ang mga nanood sa special screening nito last Christmas day.

Gusto nilang maghiganti sa mga kalaban nina Arjo at Julia na inapi-api kahit walang kasalanan.

Napanindigan ni Arjo sa kabuuan ng pelikula ang kanyang ‘topakk’ lalo na sa bandang en­ding nito.

At may pinanggalingan ang ‘topakk’ nito, hindi basta lang nagkaroon nito. Ganundin si Julia kung ba’t gusto niyang maghiganti at lumaban sa pulisya.

Pero sa totoo lang, parang na-train ni Coco Martin ang karelasyon sa sobrang maaksyong eksena.

Talagang lumaban siya at hindi nagpaiwan kay Arjo.

Ang pelikula ay dinirek Richard Somes at kauna-unahang entry ng Nathan Studios sa Metro Manila Film Festival (MMFF) kaya’t si Sylvia Sanchez ang abala sa lahat.

Noong Pasko ay may dalawang sinehang nabawas sa kanila, pero ang sabi naman ay nadagdagan na ito kahapon.

Pero aniya ang reward na lang niya (Sylvia) sa nararamdamang pagod, marami ang magagandang feedback at nagre-react ‘pag napanood na ang Topakk.

“Kanina nga may nagsa-shout out na dahil napanood na nila ang Topakk ay minumura talaga kami nina Arjo, dahil nga sa movie.

“Nagustuhan daw kasi nila, na akala nila action movie lang, pero may puso pala. Kaya tuwang-tuwa kami, na minumura nila kami.

“Nakakaiyak ang mga natatanggap naming reaksiyon, pero wala kaming time umiyak, dahil on the go kami lagi!” say pa ni Sylvia na hands-on talaga hanggang sa promo ng pelikula.

Dahil hindi equal ang mga sinehan, sila ay may 38 cinemas na naging 36 dahil nasira raw ang projector sa dalawa dahil alam naman ni Sylvia na negos­yo talaga ang lahat.

“Hindi talaga equal, kasi may iba na 100 mahigit, may 200 pa raw ang iba. Tapos kami, parang 38 cinemas lang.

“Ang masasabi ko, na sinabi rin naman ni MMDA Chair Don Artes, na sinama naman lahat sa raffle, pero bunutan nga kasi, at gusto niya na pantay-pantay talaga.

“Pero may mga sinehan, like iba sa probinsiya, na gusto nila na sila mismo ang pumili ng mga pelikula na ipalalabas nila.

“Prerogative nila `yon, eh. Sinehan nila `yon. At the end of the day, negosyo ito. Business is business.

“Pero para mag-dwell ako sa lungkot, na kesyo hindi pantay-pantay, huwag na lang, mas okey na i-push ko na lang ang pelikula namin, at tutukan ko na lang, i-promote ko na lang, kasi mas naniniwala pa rin ako sa word of mouth, na ‘pag nagustuhan ng mga tao, dadami at dadami ang mga sinehan namin after ng awards night.

“Wala akong galit o tampo sa MMFF. Wala akong galit o tampo kay Chair Don Artes. Hindi naman niya control `yon.

“Matagal na rin kasing sistema ang ganito, na may pumipilit talaga kung ano ang gusto nilang ipalabas. Kaya hindi ko na sasayangin ang energy. Mas maganda kung ipaglaban ko na lang ang Topakk at ang mga artista ko!” mahaba pang pahayag ni Sylvia.

Tulad sa mga nakalipas na taon, walang nilalabas na figures ang MMFF Executive Committee kung magkano ang kinita ng mga pelikulang kalahok at kung alin ang number 1 sa takilya.

Anyway, ipinakita naman ni Coco Martin ang kanyang pagmamahal sa long-time girlfriend sa pamamagitan ng pagsuporta sa Topakk.

At nanay pala ang tawag niya sa jowa :  “Nanay, para sa iyo,” sabay abot ng bulaklak sa partner nung magkaroon ito ng screening.

VIC SOTTO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with