Sofia, pinayagan nang makipag-momol?!
Dahil 18 years old na, puwede na raw makipag-date si Sofia Pablo sa ka-loveteam nitong si Allen Ansay.
Ayon sa bida ng upcoming GMA teleserye na Prinsesa ng City Jail, marami na raw siyang pwedeng gawin tulad na mag-aral na mag-drive at lumabas kasama ang mga kaibigan.
“Kasi dati po ‘pag lumalabas po ako, kailangan may kasama akong adult. Ayaw nila akong hayaan mag-isa. Pero nu’ng nag-18 ako, talagang ‘Gusto mong lumabas with your friends, go with your friends.’ Pero siyempre nagpapaalam pa rin po ako,” sey ni Sofia na puwede na raw makipag-movie date with Allen.
Kasama si Sofia sa cast ng Green Bones na official entry ng GMA Pictures at GMA Public Affairs sa 50th Metro Manila Film Festival.
Juday, marunong nang mahigpit sa pera
Nadiskubre ni Judy Ann Santos na hindi pala basta-basta ang pag-produce ng isang pelikula. Ito ang natutunan niya sa pag-produce ng 2024 Metro Manila Film Festival official entry na Espantaho.
“Malaking bagay yung nagkausap kami ni Atty. Joji Alonso (producer ng Quantum Films). Alam kasi niya ang pasikut-sikot sa pagiging producer at nag-share siya sa akin ng ilang bagay na kailangan ko malaman bilang producer.”
Natuto raw na huwag basta maglabas ng pera si Juday hanggang hindi niya nalalaman kunsaan ito gagastusin. Nalaman din niya na kapag nagpa-pack-up siya ng shooting, malaki ang perang mawawala sa kanya.
“As much as possible, iniiwasan namin ang mag-pack-up. Naaawa kasi ako sa production staff lalo na nung sunud-sunod yung mga bagyo. Pero payo sa akin ay maging firm ako sa mga desisyon ko para walang ibang masisisi.”
Mariah malaki na ang kinita sa Christmas!
Thirty years na pala since lumabas ang hit Christmas song ni Mariah Carey na “All I Want for Christmas Is You.”
Kinita na ni Mariah sa 1994 holiday hit niya ay higit na sa $60 million in royalties ayon sa Forbes.
Last Dec. 13, “All I Want for Christmas Is You” became the first holiday song to reach 2 billion streams on Spotify. Ginawaran din ang song ng RIAA (Recording Industry Association of America) Diamond Award in 2021 for making 10 million sales and streams.
In 2023, the song was inducted into the Library of Congress’ National Recording Registry.
- Latest