^

Pang Movies

Tanghalan ng kampeon, nasa Japan na!

Pang-masa

MANILA, Philippines — Mas lumalaki at lumalawak ang stage ng Tanghalan ng Kampeon ng TiktoClock na ngayon ay available na international pagkatapos ng contract signing sa pagitan ng GMA Network at Star Studio Japan na ginanap noong Dec. 18 sa GMA Network Center sa Quezon City.

Ilan sa dumalo sa signing ay sina GMA Vice President for Musical Variety, Specials, and Alternative Productions for Entertainment Group Gigi Santiago-Lara, Star Studio Japan Director and CEO Elizabeth Gushi, at TiktoClock Senior Program Manager Charles Anthony Koo.

Kasama nila ang TiktoClock hosts na sina Faith Da Silva, Jayson Gainza, at Kuya Kim Atienza.

Sa pamamagitan nga ng nasabing kontrata, pinahintulutan ng GMA ang Star Studio Japan na magkaroon ng online auditions at on-ground events para makadiskubre ng world-class singing talents sa iba’t ibang bahagi ng Japan.

Malugod na tinanggap ng Kapuso Network ang mahalagang partnership na ito para maipakita ang mga namumukod-tanging performance ng mga Pilipino at ibang nationality sa Japan.

Bilang parte ng kasunduan, ang National Winner ng Tanghalan ng Kampeon sa Japan ay makikilahok sa Grand Finals ng Tanghalan Ng Kampeon sa TiktoClock at makikipagkumpetensya laban sa ibang Grand Finalists sa Pilipinas.

Maaaring bisitahin ng aspiring singers sa Japan ang official Facebook pages ng Star Studio Japan at TiktoClock para sa karagdagang detalye tungkol sa online auditions at on-ground events para sa Tanghalan ng Kampeon Japan.

Sino nga ba ang susunod na Grand Champion? Abangan sa bagong season at panoorin ang TiktoClock, weekdays, 11:00 a.m. sa GMA 7.

GMA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with