Robin, pinu-push ang cannabis
MANILA, Philippines — Ahh suportado pala ni Senator Robin Padilla ang legalization ng medical cannabis sa Pilipinas.
Ang nasabing initiative umano ay naglalayon na palakasin ang healthcare access sa maraming Pilipino, lalo na sa walang kakayanang magpagamot.
Ayon kay Senator Robin : “Taos-pusong pasasalamat sa pagkakataong muling tumindig sa inyong harapan upang ipahayag ang aming walang patid na suporta para sa legalisasyon ng medical cannabis sa Pilipinas. Isang mahalagang isyung malapit sa aming puso, dahil direktang naaapektuhan nito ang kalusugan at kapakanan ng ating mga pasyente at mamamayan.
“Ang mga nakaraang pahayag ng World Health Organization ay nagpapatunay na ang cannabis ay may medikal na halaga at inirekomenda ang pagtanggal nito sa listahan ng mga tahasang ipinagbabawal na gamot. Ang posisyong ito ay sinusuportahan din ng United Nations, na kinikilala ang cannabis bilang isang lehitimong medisina,” sabi pa aktor / senador sa isang media conference kahapon.
Sa kasalukuyan daw tanging ang mga mayayaman lamang ang may legal na access sa medical cannabis, na kadalasang nagpapatingin sa ibang bansa tulad ng Switzerland, US, Australia, at Canada upang makakuha ng mahal na presyo ng medical cannabis.
Dagdag pa niya, katulad ng pagsasaliksik at pag-develop ng medical cannabis sa ibang bansa, nais umano ng Pilipinas na makabuo ng sariling bersyon ng legalisasyon ng medical cannabis na mula sa Pilipino, para sa mga Pilipino.
Katulad daw ng pagsasaliksik at pag-develop ng medical cannabis sa ibang bansa, nais ng Pilipinas na makabuo ng sariling bersyon ng legalisasyon ng medical cannabis na mula sa Pilipino sa pagtatatag ng Philippine Medical Cannabis Authority (PMCA).
Sa ilalim daw ng iminungkahing batas, itatatag ang PMCA na susunod sa modelo ng Israel Medical Cannabis Agency (IMCA).
Ang PMCA daw ang magiging responsable sa pagbibigay ng mga permit at lisensya para sa paggamit ng medical cannabis at magpapatupad ng Comprehensive Cannabis Medicalization Plan.
At may kwalipikasyon naman daw para maiwasan ang mga pagkalat nito sa mga hindi may kailangan.
Ito raw ‘yung may malubhang kondisyon na maaaring makinabang sa therapeutic at palliative na benepisyo ng medical cannabis na magiging saklaw sa ilalim ng mahigpit na regulasyon upang matiyak na ang paggamit ng medical cannabis ay naaayon sa batas at ligtas.
Vic, nahirapang magdesisyon!
Ano nga ba ang posibleng nangyari sa Pilipinas kung hindi ito kailanman nasakop ng mga dayuhan? Ito mismo ang bibigyang buhay ng pelikulang The Kingdom, isa sa mga official entries sa gaganaping 50th Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong Disyembre.
Tampok sa The Kingdom ang isang alternatibong realidad ng Pilipinas kung saan naghahari pa rin ang monarkiya dahil hindi kailanman sumailalim sa kolonisasyon ang bansa.
Para sa kaalaman ng mga manonood ng pelikula, ang bansa ay tinatawag na kaharian ng kalayaan at ang mga mamamayan ay kinikilala bilang mga malaya.
Ang kaharian ng kalayaan ay pinapamunuan ng hari at reyna na tinatawag na Lakan at Lakambini, at ang mga prinsipe at prinsesa naman ay kinikilala bilang Magat at Dayang.
Ang monarkiya ay hindi lamang political leaders kundi nirerespeto rin bilang pinagpala at “may dugo ni Bathala.” Kaya sagrado ang kanilang lahi at nagpapatibay ito ng kanilang mataas na katayuan kumpara sa mga ordinaryong Malaya.
Ang koronang kasalukuyang nakapatong sa ulo ng Lakan Makisig (ginagampanan ni Vic Sotto) ay sumisimbolo ng kayang awtoridad at sa pagkakaisa ng buong kaharian.
Maging ang mga tattoo o tinta sa kanilang mga balat ay may mahalaga ring simbolo sa lipunan ng kaharian.
Ang mga detalyadong disenyo ng tinta sa balat ay sumisimbolo ng katayuan ng bawat tao, at ang mga walang tinta sa balat ay tinatawag na Tinatwa, o ang mga pinakamababang uri na hindi binibigyan ng pagkakataong mamuhay ng tulad sa ordinaryong mamamayan.
Tampok din sa The Kingdom ang sinaunang alpabeto na Baybayin na marahil ay gamit pa din ng mga Pilipino hanggang sa kasalukuyan kung hindi tayo naimpluwensiyahan ng alpabeto ng mga dayuhan. Dahil nga uncolonized ang bansa sa alternatibong realidad ng pelikula, gamit pa rin ng mga tao ang Baybayin sa makabagong panahon.
Sa likod ng karangyaan ng monarkiya, hitik din sa family drama ang The Kingdom. Isa itong kuwento ng isang haring humaharap sa isang napakalaki at napakahirap na desisyon: ang pagpili kung sino sa kaniyang mga anak ang magmamana ng korona. Hindi man lahat sa magkakapatid ay naghahangad sa korona, bawat isa sa kanila ay may mga hinaharap na personal na pagsubok.
Isa pang karagdagang komplikasyon ang kuwento ng Tinatwa na si Sulo (ginagampanan ni Piolo Pascual), na may ipinaglalabang magdadala sa kanya sa palasyo at sa isang matinding pagsubok na makakaapekto sa buong kaharian.
Sinasabing hindi lang isang pelikula ang The Kingdom, isa itong experience para sa lahat ng Pilipino. Kaya ‘wag palampasin ang MMFF entry na ito na magbubukas na sa mga sinehan nationwide ngayong Dec. 25.
- Latest