^

Pang Movies

FranSeth, bagong KathNiel sa MMFF?!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
FranSeth, bagong KathNiel sa MMFF?!
Seth Fedelin at Francine Diaz.

Kung buhay lang sana si Mother Lily Monteverde tiyak na siya ang unang iiyak at kikiligin sa pelikulang My Future You starring Francine Diaz and Seth Fedelin na nagkaroon ng red carpet premiere last Monday night.

Pero tiyak pumapalakpak siya sa heaven at pinupuri si Roselle Monteverde na sinugalan ang tambalang FranSeth.

Ang ganda ng My Future You, ang Metro Manila Film Festival entry ng Regal Entertainment, na kuwento ng dalawang nagkakilala sa dating app at nagkainlaban sa magkaibang panahon.

Hindi man bago ang kuwento, pero iba ang atake ni direk Crisanto Aquino.

Ang akala namin ay isang simpleng love story lang ito pero detalyado ang kuwento at malinis ang pagkakalahad.

Na hindi mo namamamalayan kinikilig ka na pala, at naiiyak sa maraming eksena na kukurot sa puso mo.

Ang galing na ng FranSeth, hindi overacting ang pagkakaganap sa character na kasabay ang nabuong pagmamahalan ay ang kuwento ng kanilang pamilya.

Ito ang unang Pasko ng pamilya Monteverde na wala na ang mga magulang nilang sina Father Remy at Mother Lily na magkasunod na pumanaw.

At isa ang My Future You sa tatlong pelikula na binigyan ng green light ni Mother Lily bago siya namatay last August.

Kaya’t inalala si Mother sa end credits ng My Future You.

“Sa last part ng movie, of course, we put, you know, ‘In memory…’ You know, du’n talaga ako sobrang… when I watched it, ’yung part na ‘yon du’n ako sobrang naiyak, naiyak talaga ako,” sabi Roselle nang dumalo sa intimate pre-Christmas get-together kahapon ng kasamahang si Jun Lalin.

“Every time I would remember any occasion like this I would remember her and nakaka-miss talaga. So anywhere I go, nakaka-miss because I always remember her. And ‘yung legacy naman na naiwan niya sa amin is really to continue this business and to really help each other out in this entertainment industry. Suportahan natin, ha?”

Kaya kahit nung premiere night, naiiyak-iyak si Ms. Roselle pagkatapos na panoorin ulit ang pelikula.

Aniya, lahat-lahat ng tungkol kay Mother ay nami-miss niya.

“Everything. Kasi, you know, of course, they’re your parents. You cannot be who you are without them, ‘di ba? Lahat naman ng memories ng uma-attend ng... anywhere you go, ’pag showbiz, you remember Mother. Kaya it’s not easy to be… normal naman siguro ‘yan,” sabi pa niya.

Naalala rin niyang binilin sa kanya ni Mother ang kapatid na si Goldwin na coach ng UP Maroons na nag-champion sa UAAP. Kaya aniya, nai-stress din siya ‘pag nanonood ng UAAP Games.

Pero pakiramdam niya ba siya na talaga ang bagong Mother Lily ng showbiz?

“Kasi my mom is very hands-on, ‘di ba? Parang morning pa lang tatawag na ‘yan. Tapos, you know, she would, ‘uy, si ganu’n, si ganu’n ‘wag mong kalimutan.’ Hindi siya ‘yung nag-i-instruct ng what to do, du’n sa premiere night. Ang pinapaalala niya ‘o, si ganyan ‘wag mo kalilimutan, si ganun, ganun,’ ang dami niyang mine-mention na names, ‘wag mo kalilimutan.’ ‘Yun ang mga nire-remind niya, not really the logistics, wala, hindi na siya masyadong gumaganu’n.

“No, I cannot be at par with her. She’s different, you know. She founded Regal and I think we could all say that she’s really an icon in the industry. A politician even told me when I received an award recently, sinabi sa’kin nu’ng… he used to be a senator, ‘your mom is a legend. you cannot be like her.’ I said, ‘sir, yes, I know. definitely I could not be like her,’” paliwanag niya sa mga nagsasabing magka-level na sila.

Ang pakiramdam daw niyang namana kay Mother Lily ay ang management style niya na hands-on, truthful sa lahat ng ginagawa.  “Just be sincere and the passion. Kasi ‘pag may ganyan ka parang hindi ka naman napapagod mag-work and that’s what keeps you going.

“And you need to be grounded, ‘di ba, you need to know kasi siya ‘yung nauuna sa balita, bakit kaya? ‘Di ba? Kasi ang routine niya every morning is to call everyone. Isa- isa niya tatawagan talaga. Ang bilis niya makakuha ng balita,” papuri ni Roselle sa ina.

Samantala, sina Francine at Seth na nga ba ang bagong KathNiel (Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa MMFF? Kaya abangan natin.

Bela, hinahanapan ng leading man na Koreano

May ididirek na pelikula sa Rein Entertainment Productions nina directors Lino Cayetano, Shugo Praico at Philip King si Bela Padilla.

Isa lang ito sa maraming nakalinyang proyekto ng Rein Entertainment sa 2025.

Target nilang maumpisahan ang love story/romance/horror na pinamagatang Friday the 14th na partly ay kukunan pa sa Busan, South Korea, sa second quarter of 2025

“In every project that we do, tinitingnan namin, ano ‘yung maaambag nu’ng collaboration so parang feeling namin, collaborating with Bela, sa’n kami magaling, ano rin ‘yung expertise namin. Parang doon nabuo ‘yung konsepto ng isang Korean-Filipino love story, pero it’s also a horror thriller,” sabi ni Direk Lino sa isang intimate Christmas chikahan kasama ang ilang entertainment press.

Naghahanap na rin daw sila ng makakasama ni Bela Padilla na mga Korean star pero iba raw ang approach nila rito kesa sa naunang pelikula rin ng actress / director na Korean actor ang kanyang ka-partner, ang Ultimate Oppa, si Yoo Min Gon.

At meron silang co-producer/partner para sa  Friday the 14th na iaanunsyo raw nila very soon pero unnamed pa at ayaw pang sabihin sa amin.

“Ano rin, malaking studio rin. Bela will direct and act pero we are doing the creatives with her. Babae rin na magaling ‘yung nagsusulat, si Aica (writer ng Rein), then they’re doing creative supervision.”

Kabilang nga ang Friday the 14th sa mabibigat na proyekto ng Rein Entertainment Productions para sa 2025 na pangu­ngunahan ito ng pelikulang Caretakers nina Iza Calzado at Dimples Romana sa first quarter ng bagong taon.

 

FRANCINE DIAZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with