Maris, palaban na ulit
Active na ulit ang Facebook page ng aktres na si Maris Racal.
Napilitan diumanong i-deactivate ng Kapamilya actress ang kanyang social media account nang pumutok ang kontrobersiya sa kanila ng ka-loveteam niyang si Anthony Jennings.
Hindi nga raw kinaya ng Incognito actress ang pambabatikos sa kanya matapos silang i-expose ng ex ng aktor na si Jamela Villanueva. Ipinost nga noon ang palitan nila ng mensahe kung saan nalantad ang panloloko ng aktor sa ex.
Mabilis ang naging aksyon ng magka-loveteam at agad naman silang humingi ng tawad at nagpaliwanag pagkatapos ng paghihiganti diumano ni Jamela.
Pero ngayon ay mukhang unti-unti nang nakakabangon ang aktres at ibinalik na nga niya ang kanyang Facebook account na ang ibig sabihin ay handa na siya sa mga sasabihin ng mga basher niya.
Sey nga nga mga tagahanga niya ay pagsubok lamang ito.
Ganun naman talaga ang buhay at nagkataon na minalas nga raw sila sa ginawa nilang landian.
Pero doon daw ito matututo at magiging mas malakas at better ang aktres. Lesson learned na ito sa kanya.
Winner pa rin nga raw ang aktres dahil sa kontrobersiyang kinasangkutan niya ay nakakuha siya ng atensyon at mas marami ang naintriga tungkol sa kanya.
At nadagdagan pa nga ang followers niya. Bongga.
- Latest