Sec. Angara, sumaklolo na sa pambu-bully sa anak ni Yasmien!
Nakatakdang makipagkita si Yasmien Kurdi kay Department of Education Secretary Sonny Angara ngayong Huwebes kaugnay ng pambu-bully sa kanyang 12-year-old daughter na si Ayesha.
Sa kanyang latest post sa Facebook ay nagpasalamat muna ang aktres sa lahat ng taong sumusuporta sa kanya at sa kanilang pamilya. Aniya ay marami raw lumapit sa kanya para ibahagi rin ang kwento tungkol sa mga anak nilang nakakaranas din ng pambu-bully.
“I want to take a moment to express my heartfelt gratitude to each of you who has reached out to share your stories about your children facing bullying. Your bravery in opening up means so much to me, and it’s a reminder of the challenges so many families are facing,” pahayag ni Yasmien.
“Hearing your experiences has truly touched my heart. I want you to know that your voices are being heard. It’s heartbreaking to think of our little ones struggling, and together, we can make a difference,” patuloy niya.
Kasunod nito ay ibinalita niyang magkikita sila ni Sec. Angara para i-discuss ang bullying na nangyayari sa school ni Ayesha at kung ano ang pwedeng maging solusyon.
“This Thursday, I’ll be meeting with the Secretary of the Department of Education Sonny Angara to discuss potential solutions and strategies we can implement to address bullying in our schools. Your stories will guide this important conversation, and I promise to use my platform to advocate for meaningful change,” aniya.
“Together, we can shine a light on this issue and empower our kids to stand strong. Let’s fight bullying and protect our children!” pagtatapos ng aktres.
Matatandaang kamakailan ay inilantad ni Yasmien ang pambu-bully kay Ayesha ng mga kaklase nito. She also revealed na since grade 2 pa nararanasan ng kanyang anak ang bullying.
Sharon, nag-throwback kina Goma at Robin
May pa-throwback si Sharon Cuneta ng kanyang mga ex-boyfriends in her latest Instagram post.
Nag-upload si Megastar ng mga larawan niya kasama ang mga ex niyang sina Robin Padilla at Richard Gomez.
Sa caption ay sinabi niyang ang popogi raw ng kanyang mga ex na ngayon ay parehong successful politicians na.
“Just saw these! OMG Twilight Zone! Ampopogi at astig ng mga ex ko at yung isa Senador na, yung isa naging Mayor na and now Congressman!” sey ni Shawie.
“Kakatuwa naman. Wala lang ang sarap lang makita ng nakasmile ka! Happy for them!” patuloy ni Mega.
Pero ang big winner daw siyempre sa puso niya ay ang mister na si Kiko Pangilinan.
“PERO - si Kiko ang nanalo! Sa puso at buhay ko!!! Happy kami!” saad ni Sharon.
Well, open book naman ever since na ang dalawa sa pinakamakulay na relasyon ni Sharon ay sina Robin at Goma.
Matatandaang super in love sina Robin at Shawie noon to the point na humarap ang action star sa tatay ni Mega na si Mayor Pablo Cuneta at hiningi ang kamay ng aktres. Pero that time ay hindi pa annulled si Sharon kay Gabby Concepcion.
Eventually, hindi natuloy ang kasal at naghiwalay sila.
Si Goma naman ay naging dyowa ni Sharon noong 1989 matapos nilang gawin ang pinagsamahang movie na Kahit Wala Ka Na.
In her old interview, inamin ni Sharon na ang dalawang “R” na ex niya ang itinuturing niyang “great love.”
Ngayon ay may kanya-kanya na silang buhay at pawang masasaya naman sa kani-kanilang family life. Sharon and Kiko are now in their 28th year of marriage at nanatiling matatag ang relasyon.
- Latest