Kathryn, P400k na ang tf sa isang araw?!
Kasabay na umugong ang balita na nagkasamang muli ang dating mag-syotang sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa isang dressing room nang magkaroon ng Christmas special ang ABS-CBN, umugong naman sa GMA ang kuwento ng posibilidad ng isang KathDen (Kathryn at Alden Richards) series.
Walang duda malakas ang tambalang KathDen, isipin mo iyong nakadalawang malaking hit movie na sila at kung mapapanood nga sila sa isang serye tiyak na magiging napakataaas ng ratings noon.
Ang ratings niyan ay posibleng maging gaya ng show ni Vilma Santos noon o kasing lakas ng Marimar na pinangunahan ni Thalia na nagbukas ng Philippine television sa mga seryeng Mexican.
O baka maging kagaya ‘yun ng Gulong ng Palad na nanguna bilang drama sa radyo ng maraming taon at nang isalin sa telebisyon ay mas lalong naging bongga.
Basta isang bagay ang sigurado, oras na mangyari iyan, na magkaroon ng collab ang mga taga-Kamuning at taga-Madre Ignacia para sa isang KathDen series siguradong kawawa at mangangamote ang makakatapat niyan.
Pero kung sakali, sino nga ba ang gagawa ng KathDen on television?
Papayag ba ang mga taga-ABS-CBN na hindi sa kanila iyan?
Sila naman ang nagsimula niyang KathDen. Sumugal sila nang hindi naman alam ang resulta noong panahong ang napakalakas ng KathNiel.
By right sa kanila dapat ang proyektong iyan, pero ano ang posibilidad?
Isa pa, hanggang walang sariling istasyon franchise sa Madre Ignacia, kailangan nila ng tulong ng mga taga-Kamuning na sa ngayon ay nag-iisang malakas na istasyon ng telebisyon.
Totoo rin ba ang tsismis na ang hinihingi na raw ni Kathryn ngayon ay P400K per taping day?
Sige isulong na sa TV ang KathDen na iyan para makita natin ang lakas.
Noong araw iyong KathNiel, sabay ang kayod sa TV at pelikula at ok pa rin, ‘di subukan rin ninyo sa KathDen.
- Latest