Kiko, kilig na kilig
Kinilig nang bonggang bongga si Atty. Francis “Kiko” Pangilinan sa sinabi ng kanyang wifey na si Sharon Cuneta sa isang interview kamakailan.
Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi ng dating Senador ang isang article about Sharon kung saan ay sinagot nito ang tanong kung sino ang kanyang “saving grace.”
Ang mahabang sagot ni Megastar sa naturang interview na binilugan pa ng mister niya, “Kiko is my saving grace. I was in pieces, and I didn’t even know it. I didn’t want to stop and think of my life and emotions, I just wanted to work. Kiko made me whole, and now, after twenty-eight years of marriage, we know each other so well.”
Sa caption ni Kiko, aniya, “Uy kinilig naman ako dito sa interiew ni Mrs sa Saving Grace, sobra..”
Sinagot naman ito ni Shawie ng “it’s true naman sutart! I wuv you!!!”
Reply naman ni Mega, “@reallysharoncuneta well for 28++ years (!!) you gave me purpose and meaning in my personal and family life and for that you ‘saved’ me too. Love you too. God is a faithful, loving God.”
Sumagot naman ulit si Sharon ng “@kiko.pangilinan Awwwww i kishu dadeh! I love you!.”
Kilig to death naman ang netizens sa palitan ng mensahe nina Sharon at Kiko at puring-puri nila ang magandang relasyon ng mag-asawa.
Beauty, takot sa anak sa labas
Sa pangatlong pagsasama nina Sen. Bong Revilla at Beauty Gonzalez sa Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis Season 3 ay mas lalo pang nakilala ng aktres ang kanyang leading man.
“He’s very funny, mabungisngis talaga siya. Kapag nasimulan mo siyang patawanin, ang tagal tumigil,” natatawang pagde-describe ni Beauty kay Sen. Bong sa ginanap na mediacon last Saturday.
Pero mula noong unang pagsasama nila hanggang ngayon ay consistent daw si Sen. Bong sa pag-aalaga hindi lang sa kanya kundi sa lahat ng cast.
“He’s still the same, mabait, maalaga sa lahat ng cast, and he lets everybody shine. So, walang nagbabago, ganun pa rin siya. The first time I met him and until now, which is really nice kasi binigyan niya kami lahat na mag-shine,” ani Beauty.
Nagpapasalamat din ang aktres sa GMA-7 at kay Sen. Bong sa pagtitiwala sa kanya sa proyektong ito.
“Napakita ko rito na I’m funny, too. Hindi lang drama,” sambit ng aktres.
Dahil sa trailer ay makikita ang eksenang tila may anak sa ibang babae si Tolome (Bong) na gagampanan ni Jillian Ward, natanong si Beauty kung sa totoong buhay ay ano ang gagawin niya sakaling may ipakilala sa kanyang anak sa labas ang mister niyang si Norman Crisologo.
“Well, masa-shock ako sa una for sure. I will be like, ‘Pa, paanong nangyari?’ But at the same time I would welcome the child coz hindi naman niya kasalanan ‘yun,” ani Beauty.
Pero siyempre, magre-request muna siya ng DNA test at kung talagang mapapatunayang anak ng mister niya talaga ay tatanggapin naman niya.
“Kung anak ni Norman ‘yun, he or she is welcome to the house. Hindi naman natin pwedeng pabayaan ‘yun. Suporta ako if it happens,” wika pa ng aktres.
Pero natatawa niyang pahabol, “which I hope not naman.”
Samantala, mapapanood na ngayong Dec. 22 ang first of the 7 episodes ng Walang Matigas na Pulis Sa Matinik Na Misis Season 3 at mapapanod ito every Sunday.
- Latest