^

Pang Movies

Juday, aminadong mabilis ma-fall sa ka-loveteam!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Juday, aminadong mabilis ma-fall sa ka-loveteam!
Judy Ann Santos
STAR/File

Dumaan din sa loveteam si Judy Ann Santos during her younger years kaya naman natanong siya ng entertainment press kung talaga bang posibleng mahulog ang loob sa isa’t isa ng mga magka-loveteam.

Ang bilis ng sagot ni Juday.

“Ako pa ba ang hindi makakaalam diyan? Ako pa ba ang hindi makakaintindi diyan? Maka-ilang beses kang… ‘Ay, tapos na ‘yun,” natatawang sabi ng bida ng Espantaho sa ginanap na mediacon kamakailan.

Asked kung sino ang ka-love team na tinutukoy niya, natatawang iwas ng aktres, “babalikan talaga natin ‘yon?”

Natanong ito ng press kay Juday sa gitna ng kontrobersiya ng magka-loveteam na sina Maris Racal at Anthony Jennings.

Ayon kay Juday, hindi talaga maiwasan na ma-develop sa ka-loveteam bilang araw-araw nga kayong magkasama.

Pero hiling lang ni Juday sa netizens ngayon, “Sana let’s also be kind.”

Samantala, ang Espantaho na official entry sa 50th Metro Manila Film Festival ang pagbabalik ni Juday sa big screen. Matagal-tagal na rin simula nang huli siyang mapanood sa isang pelikula at aminado naman ng aktres na isa sa dahilan ay nagiging mapili na rin siya kasi sa pagtanggap ng mga proyekto.

“Nandoon na ako ngayon sa gawa tayo ng mga proyekto kasi gusto ko ito mapanood ng mga anak namin. Gusto ko, proud sila sa nanay nila. Gusto ko, proud din ako sa trabaho ko at sa craft ko.

“Malaking factor talaga ang mga anak namin dito sa pagtanggap ko sa Espantaho, hangga’t may lakas pa ‘yung nanay nilang manakot,” sey ni Juday.

Kiana, sinikreto ang kasal!

Inanunsyo ng bunsong anak nina Gary Valenciano at Angeli Pangillinan na si Kiana Valenciano na nagpakasal na pala sila ng non-showbiz fiancé na si Sandro Tolentino last year pa.

Ipinost ni Kiana ang video ng kanilang kasal sa mismong araw ng kanilang first anniversary, Dec. 14.

“Secret wedding? Highly recommend

“A year ago today, surrounded by family, Sandro and I took the boldest, most exciting leap into our future together. It feels like we’ve lived a lifetime since then, and what an incredible adventure it’s been. This year has been nothing short of beautiful, and we can’t wait to celebrate our marriage with the rest of our loved ones. Happy anniversary my love!” ang caption ni Kiana.

Sa comment section ay sinabi ni Gary V. na napaiyak siya nang mabasa ang post ng unica hija.

“@kianavee naman eh!!!!!!!! I didn’t know you were going to post this!!!!! I’m about to watch the Ben & Ben concert and I’m in tears!!!!! Ano ba?!?!?!?!? I love you Kwinks,” sey ni Gary V.

Kasunod nito ay nag-post na rin si Mr. Pure Ener­gy sa kanyang IG.

“Now it can be told. Back in Dec 14 of 2023, @kianavee and @senditdro intimately said “I do” to a journey of life together.

“It will forever remain to be one of the most endearing and emotionally stirring moments of my life. Blessed at how God brought them together

“I love you Kiana and Sandro…so so so very much. Happy happy 1st anniversary,” pahayag ni Gary.

Matatandaang last year din nang ipost ni Angeli na engaged na ang bunsong anak at malapit nang ikasal.

JUDY ANN SANTOS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with