Alfred, may lucky charm sa Japan FilmFest!
Nanalo si Alfred Vargas bilang best actor sa isang minor international film festival sa Japan na Ima Wa Ima Asian International Film Festival.
Ang nasabing film festival ay kagaya lamang ng Cinemalaya.
Pero mabuti si Alfred kahit na papaano ay nananalo, iyong kanyang leading lady na si Nora Aunor na kung kanino nakasentro ang publisidad ng pelikula nilang Pieta ay minsan lang nanalo at isa pang three way tie.
Nabigo rin kasi iyong makasali sa Metro Manila Film Festival dahil sa sinasabi nilang kakulangan ng commercial viability.
Palagay naman namin wala kay Nora ang problema kundi sa mga proyektong nasasamahan niya.
Hindi nga maikakailang bawas na ang popularidad niya, una matanda na naman siya at ikalawa hindi na siya makakanta na siyang hinahabol ng mga tao sa kanya. Ikatlo ang mga nasasamahan naman niyang project ay puro nga indie na ayaw namang panoorin ng ibang mga tao.
Tingnan ninyo ang indie na ginawa ni Marian Rivera, palibhasa ay indie nga lang, binabaan nila ng singil sa sinehan, kumita pa sila.
Samantala, ang anak ni Alfred na si Cristiano ang date niya sa pagtanggap ng award kaya ito ang isinama niya sa pag-akyat sa stage.
Ito na nga raw ang lucky charm niya at inalay sa anak ang award na pinaghirapan daw niya.
“I am very honored kasi international recognition ito at kahit papano ay narepresent natin ang Pilipinas dito at naiwagayway natin ang ating bandila together for other Pinoy awardees,” bahagi ng post ng mister ni Yasmine Vargas.
Patunay nga raw ito na kaya nating makipagsabayan sa world stage at ang creativity at talent ng Pilipino ay walang kaparis!
- Latest