Sofronio, 10 taon hinintay ang panalo!
Gumawa ng kasaysayan ang Filipino singer na si Sofronio Vasquez nang manalo bilang grand champion ng reality singing competition na The Voice USA Season 26.
Siya ang kauna-unahang Asian at Pinoy na nagwagi sa nasabing kumpetisyon, kabilang siya sa team ng singer-songwriter na si Michael Buble.
Sa episode ng It’s Showtime, live via video call na nakausap ng hosts si Sofronio at nagbigay pa ang huli ng payo para sa mga aspiring singer.
“Siguro ang pinakamagandang advice na maibibigay ko, kahit ilang beses kang na-reject, hindi talaga siya nagpapatunay na wala ka nang chance. Sino ba naman kasi mag-iisip na ako, Bisaya, galing sa Mindanao, trying to just be someone in music and lahat ng auditions sinubukan ko pero 10 years after, naibigay sa akin. So hindi mo lang talaga titigilan,” ani Sofronio.
Bukod dito, nagbigay rin si Sofronio ng mensahe para sa kanyang mga tagasuporta.
“Sa kanila pong lahat, maraming maraming salamat po dahil pinatunayan po natin na kahit dito sa Amerika po ay hindi pwedeng talunin ‘yung lakas, sipag, at pananampalataya ng isang Pilipino kasi talaga kahit saan namamayagpag po tayo,” aniya.
Ibinahagi rin ng New York-based Filipino na proud siyang nagsimula sa Tawag ng Tanghalan ng It’s Showtime, kung saan siya’y naging semifinalist.
“Proud po ako na nagsimula ako sa Tawag ng Tanghalan kasi Tawag ng Tanghalan at It’s Showtime ‘yung unang naniwala sa akin,” saad niya.
Kristel, nagpaliwanag kung ba’t pinatos ang Koreanong bf!
Ikinuwento ni Kristel Fulgar kung bakit siya nagdesisyong maghintay bago mag-boyfriend.
Sa nakaraang post niya, inamin niyang magkarelasyon na sila ng kaniyang longtime Korean suitor na si Suhyuk Ha. Sa bagong vlog naman niya, ipinaliwanag ng celebrity vlogger ang kaniyang desisyong maghintay para mahanap ang kaniyang ideal guy.
“May boyfriend na po ako, bago ako lumagpas sa kalendaryo,” sabi niya.
Hindi raw siya nagsisisi sa desisyong maghintay bago makipagrelasyon.
“May pagka-late bloomer man, nakahabol pa rin. Pero, wala akong pagsisisi kasi talaga namang everything is worth the wait.”
Inamin ni Kristel na nakaramdam siya noon ng pressure dahil ang kaniyang batchmates ay married at may mga anak na.
Ayon kay Kristel, nagkaroon naman ng magandang resulta ang ginawa niyang paghihintay at pagkakakilala kay Suhyuk.
“Sobrang worth the wait lahat ng bagay. Hindi ko pinagsisisihan na siya ‘yung first boyfriend ko at 29 years old. Diniscuss ko rin sa kaniya na ‘yung first boyfriend, gusto ko siya na rin ‘yung last ko. Hopefully gusto niya rin ‘yun matupad.”
Inamin pa ng aktres at content creator na ni-reserve niya ang sarili para sa future husband.
“Sinadya ko rin na hindi lumandi nang maaga kasi gusto ko i-reserve ‘yung sarili ko para sa future husband ko nang buong-buo.”
- Latest