Sunshine, kinumpara kay Greta
MANILA, Philippines — Pinag-usapan kahapon sa TikTok ang 7-second video na makikitang nag-hug and kiss si Sunshine Cruz sa negosyanteng si Atong Ang.
Parang nagkita lang naman sila sa isang lugar, na ang sabi, diumano’y sa sabungan ‘yun, na wala namang masama.
After naman ng casual hug at beso, umupo na si Sunshine na malayo-layo sa negosyante.
Matagal nang nali-link si Sunshine sa bilyonaryong negosyante pero walang kumpirmasyon.
Bukod dito may dalawa pang video na nagpadala sa amin. Iba ang damit ng actress at may isang video na hinalikan pa ng negosyante si Sunshine sa labi.
Samantala, thankful naman ang ilang entertainment media na nakaalala ngayong Pasko si Sunshine.
Pero napangiti sila dahil naalala rin daw nila si Gretchen Barretto – ang rason, ang kalabang supermarket nung mga ipinamigay ni Greta ang bag of goodies na ibinigay ni Sunshine.
Sa true lang maraming na-touch kay Shine dahil nakaalala siya.
Jericho, apoy ang reaction sa ginawa ni Janine
Ang hot ni Janine Gutierrez sa trending calendar niya para sa isang brand ng alak.
Aside from very classy, walang maipintas ang netizens dahil walang tapon sa kanyang hitsura.
Na pati ang rumored boyfriend niyang si Jericho Rosales, napa-comment ng “Nasusunog ‘yung mga kalendaryo” na may kasamang fire emoji.
Talaga raw uwian, may nanalo na.
Nauna nang inilunsad na calendar girl si Julie Anne San Jose for Ginebra and Kim Chiu for Tanduay.
In all fairness naman, magkakaiba sila ng style.
Angeli Valenciano, inaming nabulag din si Gary V.
May knee injury si Gary Valenciano.
Pero handang-handa na si Mr. Pure Energy na bumalik sa stage at painitin ang entablado sa Gary V Pure Energy: One More Time, na magaganap sa Dec. 20 at 22, 2024, sa Smart Araneta Coliseum.
Pagkatapos nga ng smash-hit na Gary V. Pure Energy: One Last Time concerts earlier this year, Gary is ready to bring even more energy, soul, and love to this encore performance.
Ngunit ito ay hindi lang tungkol sa iconic voice ni Gary V, electrifying dance moves, at endless charisma – ito ay isang family affair.
Yup, kasama niya ang kanyang tatlong talented children : sina Paolo, Gab, at Kiana — each bringing their unique flavor to the show.
Samantala, aside from Gary V., ang tagal din naming naka-chika si Angeli Valenciano.
Andami niyang kuwento tungkol sa mister na isang ‘himala’ ang buhay sa rami ng mga pinagdaanang medical challenges.
Naalala ni Angeli na may pagkakataong akala niya ay wala nang buhay ang mister dahil hindi na ito gumagalaw.
Dahil hindi naman daw niyang kayang buhatin at isugod sa hospital, umiyak siya at kinantahan na lang ng Christian song hanggang muli itong nagkamalay.
Minsan nga, pag-amin pa ni Angeli, gusto na niyang sumuko, pero hindi niya kayang gawin.
Maaalalang noong 2018 ay nagkaroon ng open-heart surgery si Gary at kalaunan ay na-diagnose na may cancer sa bato.
Bukod pa ‘yun sa kanyang laban sa diabetes na panghabambuhay na kondisyon.
Ilang beses na ring parang nawalan na ng lakas ang mister pero muling nakaka-recover.
Meron pang pagkakaton na kinarga si Gary ng kanyang road manager mula sa third floor ng isang hotel pababa sa lobby kung saan nandun ang paramedic.
Nawawalan ng lakas si Gary sa tuwing nagkakaroon siya hypoglycemia na isang kondisyon kung saan ang antas ng sugar sa dugo (glucose) ay mas mababa kaysa sa karaniwang bilang.
Meron pa raw pagkakataon na nabulag si Gary V. pero ilang segundo lang.
Pero hindi makikita ang kanyang nararanasan sa tuwing nasa stage na ang OPM icon at humahataw.
Kaya masasabing tunay na isang buhay himala ang isang Gary V.
- Latest