Judy Ann at Lorna, mas nagkakilala pa
MANILA, Philippines — Pangalawang beses nang nagkatrabaho sina Judy Ann Santos at Lorna Tolentino sa isang pelikula.“First namin was Mano Po 2,” kuwento ni Judy Ann, “pero hindi ganun karami ‘yung scenes namin together at tsaka hindi kami ‘yung mag-ina doon. Ngayon pa lang talaga ‘yung almost every scene magkasama kami.
“Kasi ang dami namin sa Mano Po mahigit, parang mahigit 20 kami doon e,” ang natatawang pagbabalik-tanaw pa ni Judy Ann.
Ngayon ay gumaganap silang mag-ina sa MMFF entry na Espantaho.
Pagpapatuloy pa ni Judy Ann sa muli nilang pagsasama sa Espantaho ni Lorna… “And I really appreciate working with veterans kasi talagang makikita mo kung gaano sila ka-professional, ready silang dumarating sa set, walang kaarte-arte.
“Lumaki ako sa ganun, lumaki ako sa ganung environment. So ito ‘yung environment ko,” pagtukoy ni Judy Ann sa pakikipagtrabaho kay LT.
At dahil pareho sila ni Lorna na mga mahuhusay na aktres, tiyak na to the highest level ang aktingan na mapapanood sa kanila kapag ipinalabas na ang pelikulang ito ng direktor na si Chito Roño.
- Latest