^

Pang Movies

Juday, may invest sa MMFF; Atty. Joji, itinangging abogado ng MaTHon

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa

Gulat si Atty. Joji Alonzo, Quantum Films producer at Star Magic legal counsel na nag-trending ang  recent Facebook post niya tungkol sa kinasasangkutang iskandalo ng  loveteam na sina Maris Racal at Anthony Jennings kung saan ipinost ang screenshots ng ex-GF ng huli na si Jamela Villanueva na diumano’y proof ng diumano’y panloloko ng magka-loveteam.

Wala aniyang kinalaman ang kanyang post sa pagiging Star Magic in-house legal counsel niya at hindi rin daw siya ang abogado ni Maris man o Anthony.

Nagbigay nga ng opinion ang lawyer / producer na  “Assuming that all the screenshots are legit, the fact remains that Maris and Anthony have committed NO crime. Their actions may be regarded as morally wrong, but they were never married to their respective partners.

“Jamela, on the other hand, may have committed at least 2 crimes with her actions – cyber libel and violation of data privacy. She cannot hide her actions under the guise of “moving on.” Yes, she may have experienced pain and betrayal, but this does NOT give her the license to violate the law.

Nemo jus sibi dicere potest.”

Paliwanag niya : “I’m not acting as a lawyer, ha, or their lawyer. It was just a personal legal opinion. Kasi ang dami na kasing talkies. It was my own. I just need to clarify, I don’t condone cheating. i have been a victim of cheating so I know what it’s like to be cheated upon.

“Masakit ’yon! But the law is the law, ‘yun lang naman ‘yung point ko du’n, eh.

“Some things which are morally wrong are not necessarily legally wrong. Now, the issue, meron pang mga legalities ‘yan pero ‘wag na lang nating i-discuss kasi I will go now into VAWC (Violence Against Women and their Children), into psychological…,” pakiusap pa ng isa sa mga producer ng MMFF entry na Espantaho starring Judy Ann Santos, Lorna Tolentino and many more.

Samantala, naglabas din ng pera si Juday para sa pelikulang Espantaho.

Yup, tatlo ang producer ng pelikula na comeback of sort ng actress sa Metro Manila Film Festival (MMFF).

Ito mismo ang kuwento ni Atty. Joji Alonzo ng Quantum Films.

Ang isa pang producer nito ay si Pandi Mayor Enrico Roque (Cine Cinko).

Si Atty. Joji nga  ang kumumbinsi sa lead star niya na sumosyo sa Espantaho gamit ang pag-aari nitong Purple Bunny Productions.

“I offered to her (Juday), actually, kasi she’s produced before and I just thought that since ang laki naman ng contribution niya sa pelikula, baka lang sakali magka-interes din siya,” kwento ng lawyer ng maraming celebrity.

#MMFF50, ipapalabas sa 900 theaters

Ang sipag ni MMDA / MMFF Chairman Don Artes. Dinaluhan niya ang mga media conference ng 10 official entries ng 50th anniversary ng Metro Manila Film Festival.

Kaya naging familiar talaga siya sa entertainment media to the point na nakikipag-joke na siya.

At nagbibigay ‘yun ng malaking moral support sa mga movie producer na all out ang ginagawang paghahanda sa pag-uumpisa ng MMFF sa Pasko, December 25.

Ang usap-usapan, walang nagtipid na producer, lahat ay talagang itinodo ang gastos. (Special mention sa Mentorque Productions ng Uninvited na may sariling private plane upang makapag-ikot sa mara­ming lugar at mai-promote ang pelikula.)

Maalalang pinakamalaki sa kasaysayan ang kinita ng MMFF 2023, lampas P1B. At pakiramdam ni Chair Artes ay malalampasan ito ng 50th MMFF. “Well, I’m crossing my fingers na malagpasan. Hoping ako. Hoping,” positibong pahayag ni Chair Artes sa mga kausap na press.

Masasabing masigla na ulit ang takilya lalo na at mahigit ding isang bilyon ang kinita ng reunion movie nina Alden Richards at Kathryn Bernardo na Hello, Love, Again na highest-grossing Filipino film of all time na sa kasaluyan.

Aabot  sa more than 900 theaters ang pagpapalabasan ng 10 official entries ng #MMFF50 kumpara noong nakaraang taon na more than 800 theaters lang kaya’t dito pa lang ay malaki na ang posibilidad na magkatotoo ang sinabi ni Atty. Artes.

Siniguro rin niyang walang magaganap na price increase sa presyo ng movie ticket.

JOJI ALONZO

JUDAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with