Sandro, bumuti na ang lagay!
Ibinalita ni Niño Muhlach na bumubuti na ang kalagayan ng kanyang anak na si Sandro matapos ang kinasangkutan nitong insidente nitong mga nakaraang buwan.
Sa Fast Talk with Boy Abunda inilahad ni Niño na nagkaroon ng pagbabago kay Sandro matapos ang naranasan umano nitong pang-aabuso.
“Noong una talaga, alam mo ‘yung mainitin ang ulo niya, hindi siya makalabas, nakasarado ang lahat ng bintana sa kuwarto niya,” sabi ni Niño.
Matapos ang insidente, naging mas malapit pa si Niño sa kaniyang anak, na patuloy ang pagsailalim sa therapy.
“Of course. Dahil I wanted him to get over it as soon as possible. So up to now he’s still going through therapy,” sabi ni Niño.
“Mabuti nga ngayon, nakakalabas na siya, nakakanood ng sine, concert, dahil na rin sa suporta ng girlfriend niya si Shanelle (Agustin),” dagdag pa ni Niño.
Ipinagtanggol din ni Niño ang anak mula sa mga basher na nagsasabing gawa-gawa lamang ni Sandro ang inihain nitong reklamong rape sa pamamagitan ng sexual assault.
“They can say whatever they want to say na kesyo gawa-gawa lang daw ni Sandro, kesyo pera lang daw ang habol ni Sandro. What’s the point? Bakit gagawin ng bata ‘yung ganu’ng kaso? Nagtatrabaho siya sa GMA. Tsaka sisirain niya ang pangalan ng Muhlach. There’s no point.”
Handa si Niño na magpatawad sa mga taong nang-abuso umano sa kaniyang anak, ngunit kailangan nilang pagbayaran ang kanilang pagkakamali.
“Diyos nga kayang magpatawad, tayo pa kaya na tao lang. Puwede namang nakakulong sila pero pinatawad ko sila eh.”
Betong, atat magka-jowa
Inihayag ni Betong Sumaya na single and ready to mingle ang status ng kaniyang lovelife ngayon, at miss na niya ang pakiramdam noong huli siyang ma-in love.
“Everyday, parang gusto mong gumising agad, makita agad siya. Kahit wala kang pera mangungutang ka para lang malibre mo. What an amazing feeling,” tawa pa ng Bubble Gang star.
Ano ba ang estado ng lovelife ngayon ni Betong?
“Single and ready to mingle. If ever na magkaproblema ka, I’m just a text away,” mensahe ni Betong sa kaniyang love interest.
Masuwerte nga raw ang taong mamahalin ni Betong.
“Please text me… Please text me, padadalahan pa kita ng unli text,” tawa pa niya.
- Latest