Ex-mayor Lito ayaw na ulit maging mayor, may payo kay Sam!
?Kung ang opinyon ni dating Manila mayor Lito Atienza ang tatanungin tungkol sa labanang Sam Verzosa at Isko Mayor sa pagka-Mayor ng Maynila sa darating na Halalan 2025, wala raw laban ang una sa huli.
?“Walang laban ‘yon (Sam),” sey ng dating alkalde ng Maynila nang makatsikahan ng entertainment media kahapon.
?Kasunod nito ay nagbigay si ex-mayor Lito ng payo kay Sam. ?“Payo ko kay Sam, tumakbo munang konsehal. Pakilala ka sa Maynila. Nakikilala ka as Spam Versoza. Pakilala ka na service-oriented ka. ‘Yung ang payo ko,” saad ni Atienza.
?Dagdag pa niya, “kung magalit siya, bahala ka na.”
?Pagdating naman kay Yorme, ang masasabi ni Atienza, “I tell you, Isko is a very good politician,”
?Pagmamalaki pa niya, “tanungin mo kung ba’t ko alam. Ako rin ang nag-training diyan,” sabay-tawa.
?When asked kung bakit si Manny Pacquiao ang sinuportahan niyang Presidential candidate at hindi si Yorme noong nakaraang eleksyon, sagot ng pulitiko, “tumakbo si Manny Pacquiao, eh. Sinabi ko naman sa kanya (Isko) ‘yun. Sabi ko, “Isko, ikaw ay first-term Mayor. Tatlo ‘yang term mo, tapusin mo na ‘yan. Hinog na hinog ka na after 9 years. “Gusto kitang tulungan, pero hindi kita matutulungan kasi tatakbo ‘yung aking tinutulungan.’”
?Natanong nga rin siya kung bakit hindi na siya tumakbong Mayor ng Maynila at aniya ay ayaw na raw niya. ?“Maraming nagsasabi sa akin, ‘Mayor, tumakbo ulit kayo, kayo ulit ang mananalo.’ ‘Yun ang kaba ko, eh, baka manalo ako,” sey niya sabay-tawa.
?“Hindi ko na kaya ang trabaho ng Mayor,” dagdag ni Atienza.
?Mas nais niyang bumalik sa Kongreso with his Buhay Party-List which he founded in 1999.
?Si Atienza ang first nominee ng nasabing pro-life party-list group at kung mananalo sila sa 2025 elections ay pinangako niyang haharangan niya ang pagpasa ng mga anti-life and anti-family bills tulad ng divorce and abortion.
Neri, ‘di na bumalik ng kulungan
Matapos manatili sa ospital nitong mga nakaraang araw, diretso na sa paglaya si Neri Miranda at hindi na ibabalik sa Pasig City Jail Female Dormitory.
Ito’y matapos ang order ng Pasay City Regional Trial Court (RTC) Branch 112 palayain na ang misis ni Parokya ni Edgar vocalist Chito Miranda.
Ang naturang kautusan ay pirmado ni Pasay City RTC Branch 112 Presiding Judge Gina Bibat Palamos.
Sa panayam ng GMA kay Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) spokesperson Jail Supt. Jayrex Bustinera ay sinabi niyang natanggap nila ngayong araw ang court order.
“The BJMP received the court order issued today by RTC Branch] 112 ordering the release of Nerizza Miranda,” pahayag ni Bustinera.
Matatandaang ipinasok ng ospital si Neri dahilsa ibinigay sa kanya ng korte na limang araw na medical furlough.
Nakatakda sanang ibalik ang dating aktres sa Pasay City Jail Female Dormitory kahapon, Dec. 4, pero bago pa ito mangyari ay dumating na ang court order ng kanyang release.
Ayon kay Bustinera, hindi na ibabalik sa kulungan si Neri kaya isang napakasayang balita nito para sa kanyang pamilya dahil magkasama-sama pa rin sila sa Kapaskuhan.
- Latest