Neri, balik-rehas na
Ngayong araw na ito ay balik na naman sa City Jail sa Pasay si Neri Naig. Tapos na ang permit na ibinigay sa kanya ng korte para manatili sa ospital. Dinala si Neri sa ospital sa kahilingan ng kanyang abogado matapos na siya ay ma-stress dahil sa mga pangyayari. Pinayagan naman iyon ng korte, tutal ang masusing pagsusuri sa kalusugan ng isang tao ay requirement din bago sila ikulong nang mahabaan. Sa kaso ni Neri ay ganun na nga dahil walang piyansang itinakda ang batas sa syndicated estafa.
Kasabay nito, nagtatanong din naman si Ruffa Mae Quinto kung bakit pati ang pangalan niya ay nadadamay sa kaso. Kasi lumabas sa imbstigasyon na si Ruffa Mae pala ay naging endorser rin ng beauty products na inendorso si Neri.
Pero kailangan munang iprisinta ng mga complainant ang advertising material na nandun si Ruffa Mae. At tingnan din kung siya ay may franchise o masasabing bahagi ng negosyong iyon,
Ang nagdiin kasi kay Neri ay iyong mga post niyang magandang investment ang kumpanyang iyon na nagbibigay ng sampung porsiyentong tubo bawa’t buwan na isang maliwanag na panghihikayat na sumusyo at dahil doon ay naging bahagi na siya ng kumpanya. Bukod pa nga sa katunayan na mayroon din siyang beauty clinic na kunektado rin sa kumpanyang iyon.
Speed, bongga ang party sa rampa
Iba ngayon ang napakaagang Christmas party ng SPEED ( Society of Philippine Entertainment Editors). At malaki ang kaibahan kaysa sa mga nakaraang taon. Kung dati ay sila-sila lang at may mga isa o dalawang bisitang artista lamang, ngayon ay napakaraming mga artistang dumalo sa party. At lahat nung nag-attend ay nanalo sa reffle.
Isa ang SPEEd Christmas party na lagi akong invited at pinupuntahan ko, una kasi nga nagkakabonding talaga ang magkakaibigan at napakasaya talaga.
Marami ka ring madi-discover. Ngayon lang namin nalaman na maganda pala ang singing voice ng editor na si Janiz Navida, at akala mo professional singer kung kumanta talaga, plus ang damit niya noong gabing iyon, hindi nalalayo sa mga damit nina Pilita Corrales at Carmen Soriano oong araw. Kumanta rin si Ice Seguerra. Pero ang na-miss namin ay ang palagiang pagkanta ni Ervin Santiago na nakaalis na pala ako nung kumanta.
Isipin ninyo, mula sa mga celebrities na tulad ni Boots Anson Rodrigo hanggang sa mga baguhang artista ng Vivamax, narooon sa party ng SPEEd. At masaya rin silang sumali sa parlor games pati ang abogadong si Keith Monteverde na anak ni Roselle na namamahala ngayon sa Regal Entertainment. Nagpa-raffle din sila ng usung-usong ngayon na Labubu Mas masaya ang kanilang party sa ngayon, at hindi na pahuhuli sa mga professiponal party hosts sa mga comedy bar sina Dondon Sermino at Tessa Mauricio. Mukhang na –master na nila ang hosting at hindi sila gumagamit ng kabastusan sa hosting nila ng show.
Paskong-Pasko naman ang dating talaga ni Jerry Olea na naka-Santa Clause costume pa.
Ang amin namang editor na si Salve Asis, ang outfit ay parang senior high school. Bagets na bagets ang dating.
Ang party ng samahan ng mga editor ng broadsheets at abloid ay talagang maipagmamalaki nila, at masasabing “it was a night.”
Ginanap ang party sa Rampa Drag Club at naroroon ang mismong owner na si RS Francisco. Sarado pala sila kung Mondays at binuksan lang talaga para sa Christmas party ng SPEEd.
- Latest