^

Pang Movies

Rufa Mae nag-liquidate na ng assets?

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Ni-repost ni Rufa Mae Quinto sa kanyang Instagram story ang statement ng lawyer niyang si Atty. Mary Louise Reyes tungkol sa legal issuena kanyang haharapin. Nakasaad doon na haharapin ng aktres ang kaso at boluntaryo na susurender.

Wala sa bansa si Rufa Mae dahil ang last post niya sa IG nakalagay ang “3 days ago,” at parang nasa London siya.

May netizens na sumugod na sa IG ni Rufa Maeat tinanong siya kung may sala kaya lumayas na raw ng Pilipinas. May nag-comment naman na sana nag-stay na lang siya sa US para hindi na siya nadamay sa scam.

May nag-comment pa na nag-liquidateng iba niyang assets si Rufa Mae, paghahanda raw niya ito sa haharaping kaso. Tanong ng netizens, may kinaalaman daw kaya sa kaso ang napabalitang pagbebenta ni Rufa Mae ng condo niya sa Makati na parang P30M ang halaga.

After Rufa Mae, Neri Naig and Ricardo Cepeda, maging extra careful na sana ang mga celebrity sa pagtanggap ng endorsement.

Sharon, iisang anak na lang ang kasama

Nami-miss ni Sharon Cuneta ang kanyang mga anak na ang tatlong babae ay pare-parehong hindi niya kapiling. Si KC Concepcion, may sariling bahay dito pero madalas, nagta-travel at kahit nasa bansa, hindi naman dumadalaw sa kanya.

 Sina Frankie at Miel ay nasa New York City at nag-aaral, kaya si Miguel na lang ang kasama nila ni Kiko Pangilinan sa bahay.

Ramdam ang pagka-miss ni Sharon sa mga anak sa caption niya sa post tungkol sa relasyon ng ina sa anak. “I love you, my four babies. Remember how very much so!” at may hash tag na #yourmomisyourfirstbestfriend.”

Inisip naman agad ng nakabasa sa post ni Sharon na para kay KC ang video post niyang “Never hurt your mother. Never disrespect her. Never abandon her even in anger...” Ang ganda ng message sa video, pero ang naisip agad ng ibang followers ni Sharon, para kay KC ang post niyang ito.

 May nagpayo kay Sharon na gawing pribado ang mga hugot sa anak.

May mga dumepensa kay Sharon, nag-repost lang daw ito at wala namang ibang sinabi.

Ang ending, ang fans ni Sharon at fans ni KC na ang nagsasagutan at kanya-kanyang latag ng diumano’y mali ni Sharon at mali ni KC.

Hay, magpa-Pasko na at Bagong Taon, wish ng mga nagmamahal sa pamilya ni Sharon, maging maayos na ang lahat at makita silang magkakasama sa araw ng Pasko.

Mansion ni Chavit, gagamitin sa reality show

Sa mansion ni Chavit Singson sa Narvacan, Ilocos Sur ang location nang The Influencers Reality Challenge.

Tutulungan ng reality show ang mgagustong sumikat na influencer, magpapa-audition sila all over the country. Ang mapipiling 13 contestant ang haharap sa challenges for 60 days sa mansion nga ni Chavit.

In-announce ni Ni?o John Fari?as, ang Chief Executive Producer ng Good Vibes Productions, Inc., ang prizes na matatanggap ng winner. May P3M cash, worth P3M artista van, worth P3M condominium unit, at 2 years contract with his production worth P2M. All in all, P11M ang mapapanalunan ng winner.

Mapapanood ang The Influencers Reality Challenge sa GV Live App at nangako si Mr. Fari?as at ang mga bumubuo ng kanyang team ng isang maganda at exciting reality show.

RUFA MAE QUINTO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with