^

Pang Movies

John Lloyd, nganga na sa takilya?!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
John Lloyd, nganga na sa takilya?!
John Lloyd Cruz.
STAR/ File

Sa kabila ng pakiusap ni John Lloyd Cruz na suportahan ang kanyang pelikula, obvious na nganga sa takilya ang pelikulang Moneyslapper na ipinalabas sa mga sinehan kamakailan.

Ni hindi ito pinag-usapan o gumawa ng ingay sa ginanap na QCinema.

Diumano’y may investment pa naman dito ang actor.

Pero iniuwi naman ni John Lloyd ang Best Lead Performance trophy para sa kanyang papel sa pelikula na isang taong nanalo sa lotto pero naging komplikado ang buhay.

So naglaho na ba ang box office appeal ni John Lloyd?

Makakabangon pa raw ba ang kanyang career sakaling mag-teleserye siya o mapanood itong Moneyslapper sa streaming platform?

Kuya kim, pinalitan si Carmina

Isang bagong paraan ng masayang pag-aaral ang magbubukas ngayong Nobyembre 30 sa paglulunsad ng GMA Public Affairs ng kanilang pinakabagong infotainment program, ang Dami Mong Alam, Kuya Kim, na mapapanood tuwing Sabado sa GMA Network sa ganap na 10:45 a.m.

Hosted by Philippine Trivia King Kuya Kim Atienza, nangangako si Kuya Kim na dadalhin niya ang mga manonood sa isang masaya at kapana-panabik na paglalakbay ng pagtuklas – na may kahalong entertainment sa mga trivia na magpapalawak ng isip.

“Kuya Kim pa rin ang mapapanood nila, pero ibang flavor naman ng Kuya Kim. Sa mundong ito, kailangan flexible tayo. At sa edad na 58, medyo millennial, Gen Z-ish Kuya Kim naman. Pero ang essence ay pareho pa rin, nagbibigay pa rin ng impormasyon na makabuluhan at magagamit sa pang-araw-araw na buhay,”  pangako niya.

Mahilig sa pagbabasa, si Kuya Kim ay palaging mahilig makisawsaw sa kaalaman at trivia. At dahil ang teknolohiya ay naging isa pang lugar para sa pag-aaral, mas niyakap niya ang pag-aaral sa digital na paraan.

“Napakahilig kong magbasa. Dati rati, before social media, I was reading books and magazines all the time. But now, everything has turned digital, I still read books. Ang Kindle ko nandito sa telepono ko, and I watch a lot of videos and podcasts.”

As his fans and followers know, Kuya Kim is very active on social media.

“Social media is a must. Some people say that we should avoid social media because it is bad for mental health. Social media is neutral – it would depend on the person to use it positively or negatively. As much as I could, I would like to be salt and light in social media, and at the same time I follow people who are salt and light as well – so it becomes a positive experience. But being in the public eye, it’s important to be immersed in social media. We have to know the trends, how the algorithm works, how each platform works, and use it to be salt and light to all my viewers and all my subscribers,” katwiran niya.

Para sa pilot episode nito sa Nobyembre 30, itinampok niya ang viral video ng isang mapangahas na snake handler na nakatagpo ng King Cobra. Ibabahagi niya ang kamangha-manghang snake trivia, kumpleto sa mga nakamamanghang visual at ekspertong input.

Para dagdagan ang excitement, dinala ni Kuya Kim ang kanyang alagang ahas para makita at maranasan mismo ng publiko.

Ang episode ay magtatapos sa isang live na pakikipagsapalaran sa pagsubaybay sa isang real-life snake sighting.

Ang nasabing programa ni Kuya Kim ang kapalit ng Sarap Di Ba ni Carmina Villarroel.

Bukod sa Dami Mong Alam, napapanood din si Kuya Kim sa 24 Oras at TiktoClock.

Darren at Cassy, nagkaayos na?!

Awss hindi naman pala true ang mga usap-usapan na nagkaroon ng alitan sina Darren Espanto at Cassy Legaspi dahil sa personal issues.

Pinatunayan nila ito sa star-studded birthday celebration ni Rhea Tan, founder of Beautéderm, na ginanap sa Taupe by Chef Francis Tolentino.

Kabilang nga sina Darren and Cassy sa guests ni Ms. Rhea at nakita sa mga video posting na magkasama sila at wala namang animo’y animosity sa dalawa na kapwa ambassador ng Beautederm.

Nakilalang BBF ang dalawa na minsan ay napapagkamalang may relasyon sila. Pero biglang nag-iba ang lahat na napansin ng kanilang followers sa social media.

Anyway, bukod kina Darren at Cassy, kabilang din sa dumalo sa birthday celebration ni Ms. Rhea ang iba pang ambassador ng kanyang kum­panya tulad nina Maja Salvador with husband Rambo Nuñez, Jennylyn Mercado, Dennis Trillo, Rayver Cruz, Sanya Lopez, Ruru Madrid, and veteran actress Lorna Tolentino.

Present din sina Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega, Sofia Pablo, and Allen Ansay.

Spotted din sa nasabing party sina Jelai Andres, Darla Sauler, EA Guzman, Shaira Diaz, DJ JhaiHo, Thou Reyes, Alex Castro, Sunshine Garcia, Ervic Vijandre, KitKat, Thia Thomalla, Ejay Falcon, Jana Falcon, and Kakai Bautista.

Ayon sa Beautéderm CEO, ang nasabing celebration ang so far ay most personal celebration niya sa kasalukuyan.

Sinabi rin niyang itinuturing niya ang kanyang sarili na masuwerte na nagkaroon ng mga tunay na mga kaibigan sa showbiz.

“Despite their busy schedules, they took time to celebrate my birthday, for which I am grateful. More than business, I regard them as friends. I’ve watched all of their showbiz projects, but having them on my birthday makes me happy,” aniya.

At bilang bahagi ng kanyang birthday celebrations, ang business mogul ay nag-contribute ng 1 million sa Kasuso Foundation na ilang taon na rin niyang tinutulungan.

“My life’s mission is to serve others. I would like to believe that God rewards me so that I can share it with others. Aging is a natural part of life for me, but helping others is what makes your birthday truly memorable,” pahayag pa ng celebrity entrepreneur.

Sa kabila ng kanyang malaking tagum­pay sa industriya ng pagpapaganda, pinananatili niya ang kabaitan at kababaang-loob.

Happy birthday and congratulations, Ms. Rhea.

JOHN LLOYD CRUZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with