^

Pang Movies

Euwenn, sasabak na special child!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Euwenn, sasabak na special child!
Euwenn Mikaell

Ang bongga naman ng child actor na si Euwenn Mikaell na gaganap na special child sa Magpakailanman.

Bibigyang-buhay niya pala ang kuwento ng aktres na si Candy Pangilinan at ng anak nitong si Quentin, na merong attention deficit hyperactivity disorder (ADHD) at nasa autism spectrum.

Ang bagets ang gaganap bilang Quentin at si Candy naman ang gaganap sa sarili niya.

First time nga raw gaganap ng ganitong karakter si Euwenn.

Maganda at interesting daw ang magiging pagganap niya bilang special person.

Makikita nga raw kung paano siya umarte at susubukan niyang i-improve ang ganitong klase raw na acting niya.

Masusubukan nga ang galing niya rito na bata pa lang nga ay lutang na ang galing niya kaya siguradong gagaling pa ito habang lumalaki.

Maaalalang napuri rin ang pagganap niya sa pelikulang Lolo and the Kid kung saan nakasama niya si Joel Torre.

Maski nga si Eula Valdes na nakasama niya sa Forever Young ay napuri siya dahil nag-iisip daw talaga ang young actor tuwing umaarte. Hindi nga raw ito pangkaraniwang bata.

Ganun. Bongga.

EUWENN MIKAELL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with