^

Pang Movies

Male personality na dating natatakam sa lalaki, babae na ulit ang gusto

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

BABAE na pala ang madalas kasama ng isang male personality na paminsan-minsan ay nakikita sa TV.

Eh nung sumikat at naging bukambibig ng tao dahil sa kasamang babae, inakala ng publiko na karelasyon niya ang babaeng araw-araw eh kasama.

Pero hindi. Lalaki ang gusto ni male personality noon at meron siyang middleman kapag may natitipuhang lalaki. Sa totoo lang, kapag sa gatherings, iba-ibang guwaping na lalaki ang kasama, huh!

Eh nagbago ang pananaw sa buhay ni male persona­lity. Gusto na niyang babae ang makasama. Kaya naman ‘yung middleman niya na lalaki, umiiyak dahil wala na siyang kita sa pagbibigay niya ng booking sa male personality na tahimik na ang buhay dahil babae na ang gusto niya!

Jillian at Michael, wala nang atrasan ang tambalan

CONFIRMED nang magtatambal sa isang series sina Jillian Ward at Michael Sager sa isang rom-com sa GMA.

Naibalita namin na magsasama na sina Jillian at Michael bilang full-pledged partner sa series na gagawin. Nagkasama sila sa Abot Kamay na Pangarap pero hindi ang partnership nila ang focus.

This time, magkakaroon na ng sweet moments sina Jillian at Michael.

JILLIAN WARD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with