Sha, wala nang pake sa billing!
Hindi nga masyadong nabalita maliban sa ilang posts sa social media ang concert tour nina Gabby Concepcion at Sharon Cuneta.
Pero may mga kakilala kami sa Canada na nagkuwento na marahil nga raw ang Sharon-Gabby Reunion Concert ang masasabing naging pinakamalaking show ng Filipino artists sa Canada in recent years.
Pero may isang bagay kaming napansin sa mga nakita naming poster ng reunion concert. Sa billing mas malaki ang pangalan ni Gabby.
Kung sabagay maski dito noon sinabi naman ni Sharon na hindi siya particular kung sino ang mauna sa billing.
“Siguro kasi mas familiar ang mga tao rito kay Gabby, dahil nagtagal siya rito. Isa pa karamihan ng fans nila ay mga babae na siyempre mas madaling maa-attract kay Gabby, lalo na nga’t sweet pa rin siya sa fans,” sabi pa nila.
Malaki na nga ang kaibahan ng audience noon at ngayon. Malaki rin ang kaibahan ng mga pelikula natin noon at ngayon, at talagang possible na pwede pa sila sa pelikula, pero hindi na pakilig, pang mommy at daddy na ang role nila. At ‘wag ipilit na magpakilig pa.
Andres at Robbie, maglalaban sa 2025?!
Kagaya nga ng sinasabi namin sure fire formula na gagamitin ng ABS-CBN para pasikatin ang bago nilang star na si Robbie Jaworski.
Ibebenta nila ang pagiging Jawo nito dahil alam nilang ang makakabangga nila ay si Andres Muhlach ng TV5.
Kung napansin ninyo, bigla ang sabog ng publisidad ni Robbie ngayon. Sinisiguro nilang wala pa mang project iyon ay mapag-uusapan na.
Samantalang medyo konserbatibo at pigil ang ginagawang buildup ng TV5 at Viva kay Andres Muhlach.
Pero kagaya rin ni Andres, kailangang mas maging masa si Robbie kung gusto nila talagang sumikat siya.
Hindi man ako manghuhula, dama ko na ang 2025 ay panahon ng labanan nina Robbie Jaworski at Andres Muhlach.
- Latest