^

Pang Movies

Robin, kay Jinggoy unang nakatikim ng burger!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Robin, kay Jinggoy unang nakatikim ng burger!
Robin Padilla

Nakatutuwa ang sagot ni Sen. Robin Padilla sa birthday greeting sa kanya ni Sen. Jinggoy Estrada na “Happy Birthday  Senator Robin Padilla.”

Pero may hugot ang sagot sa kanya ni Robin.

“Maraming salamat po manong Jinggoy Estrada sa pagbati. Ang aking mentor sa pagiging action star. Unang nagpatikim sa akin ng Mc Donald’s. Tumulong sa akin nong 2022 campaign. Isang tunay na kaibigan ng aking insan Rudy Fernandez. Ang ­aking sandigan sa senado,” sagot ni Robin.

Walang period si Robin kung mag-post sa Facebook, kami na ang naglagay ng period para hindi kayo mapagod magbasa.

Anyway, birthday ni Robin noong November 23, he is 55 years old at five years pa bago siya mag-60 years old at maging senior citizen.

Blythe ni Kathryn, ginawang big deal

Naging controversial ang post ni Kathryn Bernardo na nasa harap siya nang nakadikit na pangalang “Martha Blythe.” May mga nag-isip na shading ni Kathryn ‘yun kay Andrea Brillantes na Blythe ang real name.

Nagsanga-sanga na ang kuwento, may mga nag-react na fan ni Kathryn at ang tanong, sinadya raw ba ng aktres na magpa-picture sa harap ng nasabing pangalan. May nag-post pa kung ano ang ibig sabihin ng pangalang Martha at hindi kagandahan ang nakasulat.

May nag-react na mga fans si Daniel Padilla dahil damay siya sa kuwento. Ipinaaala ng fans ni Daniel sa fan ni Kathryn na may totoong tao na may ganoong pangalan, assistant director siya at friend nina Kathryn at Daniel. Friend na rin siya ni Alden Ri­chards at nadadamay siya sa isyu.

Hanggang sa nag-react na nga si Kizzy Esguerra o Martha Blythe na pamangkin pala ni director Cathy Garcia-Sampana. Sabi nito, “ Ito na ang aking entry... pwede na ilabas... and FYI po ako po si Martha Blythe!!! (Need ko lang idiin para sa mga mapaggawa ng kwento at nagmamarunong).”

May kasunod na photo post si Kizzy kasama niya sina Kathryn at Alden sa shooting ng Hello, Love, Again sa Canada.

Uninvited, nakuha ang wish sa parade

May mga nag-congratulate ay Bryan Dy, executive producer ng Uninvited and the man behind Mentorque Productions dahil sa ibinalita nitong “#MMFF50  Float Number 3! Wish granted!”

Ang tinukoy ni Bryan ay an arrangement ng float sa gaganaping Parade of Stars sa December 15, para sa darating na 2024 MMFF. Wala pa mang ibinaha­ging sketch si Bryan sa float, marami na ang nagsabing isa sa magiging highlight ng Parade of Stars ang float ng Uninvited kasama sina Aga Muhlach, Nadine Lustre, at Aga Muhlach.

ROBIN PADILLA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with