^

Pang Movies

Box Office King & Queen na Hello... nina Kath at Alden, mahigit isang bilyon na ang kita

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Box Office King & Queen na Hello... nina Kath at Alden, mahigit isang bilyon na ang kita
Kathryn Bernardo at Alden Richards

Wow, Box Office King and Queen na sina Kathryn Bernardo and Alden Richards. Ito ay matapos umabot sa P1 billion ang kita ng pelikulang Hello, Love, Again movie as of Nov. 23, na kauna-unahan palang pelikulang Tagalog na umabot sa P1 billion mark sa worldwide box office.

Apart from its box office feats, the movie directed by Cathy Garcia-Sampana and produced by ABS-CBN’s Star Cinema and GMA Pictures ay nagsilbi ring closing film sa katatapos na Asian World Film Festival sa Los Angeles, California.

Patuloy na pinipilahan ang pelikula na nasa ika-second week na, in cinemas worldwide, at nag-umpisa na ring ipalabas Hong Kong and Macau.

Nagaganap din ang scree­nings nito in more European territories, including Austria, Finland, France, Germany, Greece, Ireland, Italy, Malta, Spain, The Netherlands, and the UK.

TAPE, malabo pa bang makabalik sa GMA?!

Totoo kayang hindi raw posible sa kasalukuyan ang sinasabing magpo-produce ulit ng noontime show for GMA 7 ang TAPE Inc. (Television and Production Exponents Incorporated) na pinamumunuan ni Romeo Jalosjos Sr., former representative of Zamboanga.

Diumano’y nagbabayad pa rin ang dating producer ng Eat Bulaga ng mga utang na naiwan sa Kapuso Network.

Diumano’y almost P800M nga ang naiwang utang sa GMA ng TAPE na kailangang i-settle ng mga Jalosjos.

Naipon diumo ang P800 million mula sa Eat Bulaga at sa pumalit na programang Tahanang Pinakamasaya na hindi nagtagal sa ere.

Paunti-unti naman daw itong binabayaran pero malaki pa rin diumano ang kailangang i-settle kaya malabo raw munang mag-produce ulit katulad sa kumakalat na papalitan ng gagawing programa ng GMA at TAPE ang It’s Showtime.

At for the record ayon sa source, matagal na diumano ang appointment ni Ms. Malou Choa-Fagar sa TAPE pero wala pang official appointment ito at hindi pa raw nakaupo sa kanyang posisyon.

Kamakailan kasi ay naglabas ng statement ang TAPE Inc. na si Ms. Malou ang hahawak ng TAPE Inc. Retired executive si Ms. Malou ng nasabing kumpanya.

Sen. Bong, apaw ang kaligayahan sa panunumpa ng anak na doktora

Walang pagsidlan ng tuwa at pagmamalaki si Senator Bong Revilla, Jr. at ang kanyang buong pamilya dahil isa nang ganap na doktor ang kanyang anak na si Dra. Loudette.

Si Dra. Loudette ay nanumpa na bilang full-fledged physician noong Biyernes, Nobyembre 22, 2024, sa Philippine Convention Center ( PICC).

Nagtapos ng kanyang pre-medical studies sa Ateneo de Manila University at sa University of the East Ramon Magsaysay Memorial Medical Center (UERMMMC) naman para sa kanyang Doctor of Medicine degree ang anak ng senador / aktor at ni Rep. Lani Mercado.

Nakapasa siya ng Physicians Licensure Examination noong Oktubre, taong ito.

Ang kanyang achievement ay isa siyempreng mahalagang yugto hindi lamang para sa kanyang sarili kundi sa buong pamilya Revilla na kasalukuyang nagbubunyi pa sa tagumpay ni Dra. Loudette.

Samantala, kamakailan ay ginawaran si Senador Bong Revilla Jr. ng mga parangal ng prestihiyosong Asia’s Distinguished Leader in Public Service mula sa Asia’s Pinnacle Awards 2024 at ng Gawad Pilipino Lingkod Bayan Award mula sa Gawad Pilipino Awards.

‘Di tulad sa Amerika mga artistang menopausal, takot lumantad...

Nagiging malaking usapin sa kasalukuyan ang menopause, hindi lang sa ating bansa, kundi ma­ging sa buong mundo. Lalo na at very vocal dito ang mga sikat na personalidad tulad nina Halle Berry, Oprah Winfrey, Michelle Obama, at Naomi Watts na ginagawang normal ang kanilang mga personal na karanasan gamit ang kanilang malawak na mga platform.

Pero sa ating bayan ay hindi pa ito gaanong in demand topic. Lalo na sa mga celebrity.

Kahit usap-usapan na may dalawang actress na diumano’y dumaraan sa ganitong bahagi ng kanilang buhay kaya’t kung anu-ano raw kadramahan ang ginagawa sa kanilang buhay.

Hindi lang diumano matanggap ng dalawang aktres na nasa kategorya ng perimenopausal and menopausal ang kanilang buhay.

Sa kasalukuyan ay walang celebrity na nagla­lantad na nahihirapan sila dahil dito.

Kaya naman pinapalawig ng ProAge, na gawing normal at ordinaryo ang ganitong usapin o talakayan sa pamamagitan ng pangunguna sa adbokasiya at pagpapataas ng awareness sa menopause.

Kaugnay nito, ang ProAge, isang nangungunang advocacy-based na skincare at wellness brand sa Pilipinas, ay nagsagawa ng isang forum tungkol sa perimenopause at menopause titled Don’t Pause for Menopause.

Hosted by TV host Suzi Entrata-Abrera, pinagsama-sama sa nasabing forum ang wellness experts and advocates upang ipagdiwang ang mga babaeng tumatangging mag-pause para sa menopause at sa huli ay nagkaroon ng pagbabago sa kanilang salaysay.

“A lot of brands discuss women empowerment, but not a lot of them talk about empowering women during the perimenopausal and menopausal phases of their lives. This topic has been a taboo, but at ProAge, we aim to shatter the stigma surrounding such conversations and address the needs of women in this demographic,” said Ms. Claudine Viquiera.

Ang invited speakers ay kinontra ang mga maling paniniwala at ‘alamat’ o myth tungkol sa menopause at napaliwanagan ang mga dumalo sa iba pang mahahalagang katotohanan tungkol sa paksa.

Nabuksan din ang kanilang isip kung paano ito nakakaapekto sa pangkalahatang kalusugan ng kababaihan at kung paano mas mahusay na pangalagaan ng mga kababaihan ang kanilang mga sintomas.

Bago matapos ang forum, sinagot din ng mga tagapagsalita ang mga karaniwang tanong tungkol sa menopause upang hikayatin ang mga kababaihan na maging mas confident habang tinatanggap nila ang mga natural na pagbabago sa kanilang mga katawan sa yugtong ito ng kanilang buhay.

Dumalo sa nasabing event sina Dr. Annebelle D. Aherrera, OB gynecologist and a feminine wellness advocate; Michelle Aventajado, Executive Director of Best Buddies Philippines and a ProAge advocate; and Claudine Viquiera, Founder of ProAge and a menopause advocate.

KATHRYN BERNARDO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with