Budol, may paeklay na mamimigay ng datung
Ang bongga ni Herlene Budol na magkakaroon ng kanyang sariling grand fans day na tinawag niyang Grand Hipon Day.
Magpapamudmod daw siya ng tig-iisang kilo ng hipon sa mga solid niyang fans dahil nga sa palayaw niyang Hipon Girl. Nagsimula raw kasi siyang tawaging Hipon dahil sa sexy niyang katawan pero hindi kagandahan ang mukha.
Para raw ito sa mga solidong fans niya na tinawag niyang KaSquammy, KaBudol at KaHiponatics.
Paraan na rin daw ito kanyang pasasalamat sa mga tagahanga niya na hindi siya iniwan.
Sunud-sunod nga ang blessings kay Budol dahil bukod sa TiktoClock, inaabangan na rin ang upcoming serye niyang Binibining Marikit at marami pa siyang endorsement.
Bukod pa sa tig-iisang kilong hipon na ipamimigay niya ay pinost niya rin ang makakapal na tig-iisang libong piso na niraket niya raw ng buong linggo.
Nakapangako na nga rin siya sa mga inaanak niya na may tig-P1K ang mga ito sa Ninang Budol nila at burger sa darating na Pasko.
Sey pa niya ay magkomento lamang ang mga netizen kung saang area gusto ng mga ito siya mapadpad. Ganun.
Maniniwala lang ako sa kanya, kung igi-give niya ako ng hipon at datung ‘no.
Otherwise kung hindi, iisipin kong eklay lang ang post niya. Hahaha.
- Latest