^

Pang Movies

Zia, pinalulundag pa ni Dingdong

Salve V. Asis - Pang-masa
Zia, pinalulundag pa ni Dingdong
Zia at Dingdong

MANILA, Philippines — Ahh nine years na pala si Zia.

At ang post ng daddy niyang si Dingdong Dantes : “Happy 9th birthday to our firstborn, Maria Letizia! Lundagin mo lang, beybe!” na ang gamit na photo ay nung sumali siya sa swimming competition.

Parang kailan lang nagbi-breastfeed pa si Marian kay Zia sa kasal nina Dr. Hayden Kho at Dra. Vicki Belo sa Paris, France. Parang nag-uumpisa pa lang nung lumakad si Zian na flower girl sa nasabing kasalan.

Pero ayaw nitong sumama sa mga gustong kumarga sa kanya na hindi kakilala.

Ngayon pala 9 na at very Marian daw ang ugali at tingin nila ay lalaking strong woman ito like her mom.

Julia, pinakita ang pagiging magaling na ina

Malapit nang masaksihan ang inaabangang serye comeback ni Julia Montes dahil unang mapapanood ang kanyang bagong drama series na Saving Grace ngayong Nobyembre 28 (Huwebes) sa Prime Video.

Mula sa mga naghatid ng hit Prime Video drama na Linlang, handog naman ng Dreamscape Entertainment ang makabagbag-damdaming adaptasyon sa 2010 Japanese drama serye ng Nippon TV na Mother na iikot sa tema ng pagmamahal ng isang ina habang isinasalamin din ang realidad sa likod ng mga pang-aabuso sa kabataan at kababaihan.

Dito masasaksihan si Julia bilang Anna, isang guro na hahamakin ang lahat mabigyan lang ng pangangalaga at pagmamahal ang isang bata na inaabuso ng sarili niyang ina.

Desperado na mabigyan siya ng tamang pag-aaruga, si Anna mismo ang dadakip sa kanyang estudyante na si Grace, na gagampanan ng promising child star na si Zia Grace.

Tampok din sa serye sina Sam Milby, Jennica Garcia, Christian Bables, Elisse Joson, Eric Fructuoso, Andrez Del Rosario, Adrian Lindayag, Aya Fernandez, Sophia Reola, Ramon Christopher, Mary Joy Apostol, PJ Endrinal, Emilio Daez, Karl Gabriel, Jong Cuenco, Daisy Cariño, Lotlot Bustamante, Alma Concepcion, Fe De Los Reyes, pati ang mga premyadong aktres na sina Janice de Belen at Sharon Cuneta.

Bago mapanood ang Kapamilya adaptation nito sa Prime Video, hinirang muna na most exported title sa Asya ang Mother nang magkaroon ng sari-sarili itong bersyon sa iba’t ibang bansa, gaya ng Turkey, South Korea, Ukraine, Thailand, China, France, Spain, Saudi Arabia, at Mongolia.

“We are thrilled to announce that ‘Saving Grace,’ our take on the acclaimed Japanese drama ‘Mother,’ is streaming first on Prime Video. This newest feat is a continuous testament to our commitment to showcasing world-class Filipino talent and entertainment to our local and global audiences while engaging them with its heartwarming themes emphasizing the Filipino core values of family and motherhood,” saad ng ABS-CBN chief operating officer na si Cory Vidanes.

“Nippon TV’s ‘Mother’ will be the honorable first adaptation of our scripted format in the Philippines, marking a significant milestone in our collaboration with the vibrant Filipino content industry. We commend ABS-CBN for their dedication in bringing this powerful story to life, set to premiere on a global streaming service such as Prime Video, showcasing the universal appeal of ‘Mother’ and celebrating the creativity and talent within the Filipino entertainment landscape,” dagdag naman ng Nippon TV execs na sina Yuki Akehi at Sally Yamamoto.

Sa direksyon nina FM Reyes at Dolly Dulu, unang mapapanood ang Saving Grace sa Prime Video, with two new episodes tuwing Huwebes, simula Nobyembre 28.

DINGDONG DANTES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with