^

Pang Movies

Coco, tutok sa panonood kay Julia

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Coco, tutok sa panonood kay Julia
Nene, Coco at Julia

Todo-todo ang suporta ni Coco Martin sa karelasyong si Julia Montes.

Ang aga kahapon ng Batang Quiapo actor sa special screening ng Saving Grace na comeback teleserye ng karelasyon na ginanap sa Gateway cinema.

Ito ay Pinoy adaptation ng sikat na Japanese drama na Mother.

Unang umere sa Nippon TV noong 2010, ito ay ang most exported scripted format sa Asya matapos pumatok sa buong mundo ang kwento nito tungkol sa pagmamahal at pamilya.

Ang Pilipinas ang ikasampung bansang gagawa ng sariling bersyon nito kasunod ng Turkey, South Korea, Ukraine, Thailand, China, France, Spain, Saudi Arabia, at Mongolia.

Si Julia ang magsisilbing eleventh ‘mother’ na magbibigay-buhay sa isang napakahalagang karakter na siguradong aantig sa mga puso ng mga manonood at mag-iiwan din ng importanteng mga aral.

Nakatutok ang kuwento nito sa child abuse at child labor ayon kay Direk FM Reyes kaya napili nilang gawin  bilang sagot sa mga nagtatanong kung bakit pa nila kailangang gawin ang kuwento nito samantalang ang dami namang istoryang kayang gawin ng mga Pinoy.

Touching kaagad ang mga unang eksena nito na iikot nga sa child abuse at domestic violence.

Alam mo agad na hindi ito bibitawan ng mga manonood lalo na ang mga eksena nina Julia, Janice, and Jennica Garcia with newest child star Zia Grace.

“Ang ganda ng lesson and story na gustong sabihin ng serye. Lagi kong tanong kung kaya ko pa ba kasi nate-tense din ako. Kailangan abangan ‘yung mga batuhan ng linya na magaganap,” sabi ni Julia sa naunang interview na ginagampanan ang papel bilang si Anna, ang guro na mapapamahal sa batang inaabuso.

Extra special din ang serye para kina Janice at Sharon dahil ito ang unang beses nilang magka-katrabaho sa isang proyekto.

“Napanood ko ‘yung original and in fact, naiyak nga ako kaya alam ko na agad na heavy drama siya. Siyempre gusto kong maka-eksena si Mega. Because I know people are also waiting to see how our dynamic is going to be given our colorful past,” ayon kay Janice.

Anyway, ‘yung nga base sa napanood namin sa special screening talagang tagos ang emosyon ng kuwento kaya kahit si Coco ay mangiyak-ngiyak daw habang nanonood kahapon.

Actor, lutang ang mga turok sa mukha

Parang sagana sa botox ang mukha ng aktor.

Kitang-kita ito ‘pag naka-focus ang mukha niya sa mga eksena sa pelikulang kasalukuyang ipinalalabas.

Banat na banat at parang wala nang expression ang mukha ng aktor samantalang parang late 20s lang siya.

Usung-uso na ngayon ang Botox at ang mga shot na ito raw ay kadalasang ginagamit upang pakinisin ang mga wrinkle sa mukha. Ginagamit din daw ito upang gamutin ang mga pagpapawis, at iba pang mga kondisyon. Ang mga botox shot ay maaari ring makatulong na maiwasan ang migraine.

Pero hindi lang naman daw ito basta nagpapabanat, may mga ginagamot din ito ayon sa mayoclinic.com. “Botox injections are shots that use a toxin to prevent a muscle from moving for a limited time. These shots are often used to smooth wrinkles on the face. They’re also used to treat neck spasms, sweating, overactive bladder, lazy eye and other conditions. Botox shots also may help prevent migraine.”

At baka naman may migraine ang actor or ibang condition siya kaya panay ang pa-injection.`

KathDen lumamang sa P930 million, nalampasan na ang rewind!

Ang pelikulang Hello, Love, Again starring Kathryn Bernardo and Alden Richards na ngayon ang highest-grossing Filipino movie of all time at nalampasan na ang P924-million record ng Rewind nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, ayon sa statement ng ABS-CBN.

Nakapagtala nga raw ito as of yesterday ng bagong box-office record – P930 million sa worldwide box office sa loob ng 10 araw lamang matapos itong ipalabas sa mga sinehan.

Ang unang film collaboration ng Star Cinema at GMA Pictures ay ipinalabas sa mga sinehan simula noong Nov. 13 kung saan nagsampa ito sa first-day gross na P85 million. Nakamit din nito ang pinakamataas na single-day ticket sales na P131 millio noong Nov. 16.

Ang pelikula ay ipinalalabas din sa Australia, New Zealand, US, Canada, Guam, Saipan, at London. Nag-debut ito sa no. 8 sa US box-office Top 10, kumita ng $2.4 million para makamit ang pinakamalaking opening para sa isang pelikulang Pilipino sa Amerika.

Ito ay palabas na ngayon sa mahigit 1,000 sinehan worldwide.

Pero totoo bang malabo na diumanong magkaroon ng partnership ulit ang ABS-CBN ng Star Cinema at GMA Films?

Ito na nga ba ang huling partnership nila sa pelikula?

Kathryn, nag-uwi ng panibagong parangal!

Tinanggap ni Kathryn Bernardo ang Snow Leopard Rising Star na parangal mula sa Asian World Film Festival na ginanap sa Los Angeles, California.

Kinilala si Kathryn dahil sa kanyang passion at taglay na galing bilang artista, at sa pagmamahal sa kanya ng mga manonood at mga tagasubaybay.

“It is such an honor to be here, representing my fellow Filipinos and my home network, ABS-CBN. Thank you so much to the AWFF, my family, my mom—who’s here, my friends, my mentors, and to everyone who has believed in me throughout this journey. May we all continue to tell stories that will touch people’s lives,” sabi ni Kathryn sa kanyang acceptance speech.

Ang kasalukuyang pelikula niya na Hello, Love, Again, kung saan muli niyang nakapareha si Alden Richards, ay patuloy na gumagawa ng box-office record, hindi lamang dito sa Pilipinas, kundi pati sa ibang bansa.

Kinikilala ng Asian World Festival ang mga pinakamahuhusay na personalidad at pelikula sa rehiyon, at isinusulong ang kolaborasyon sa industriya ng pelikula.

COCO MARTIN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with