^

Pang Movies

GMA, itinanggi ang pagbabu ng Showtime

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
GMA, itinanggi ang pagbabu ng Showtime
Vice Ganda

Pinag-usapan na na matatapos ang kontrata ng It’s Showtime sa GMA 7 sa taong ito.

May mga ispekulasyong ang TiktoClock ang papalit sa Showtime pero wala raw ideya ang mga staff nito tungkol doon.

Pero ayon sa kolum ni Gorgy Rula sa Pilipino Star NGAYON, sinabi ng GMA executive na si Atty. Annette Gozon-Valdes na nasa proseso pa raw sila ng negosasyon sa kasalukuyan sa renewal ng Showtime.

“I do not know who released this info since we are still currently negotiating nga for Showtime’s renewal,” pahayag nito na kasalukuyang nasa Singapore.

Kung sakali mang hindi na sila mapanood sa GMA, na parang ‘di naman totoo, mas dapat patunayan ni Vice Ganda at ng kanyang mga alagad na hahabulin pa rin sila ng manonood saan man silang istasyon magpunta.

Aegis, kinontra ang pagmamalisya sa pagkamatay ni Mercy

Tingnan ninyo kung gaano kawalang konsensiya ang ibang gumagawa ng vlogs. Pinalabas nila na may sinabi si Juliet Sunot, ang kapatid ng yumaong Aegis soloist na iyon daw kasi ay may bisyo kaya nakakuha ng cancer. Nag-react naman ang mga kasama ni Mercy sa Aegis, at sinabing sa haba ng panahon na kasama nila si Mercy sa banda, hindi nila nalaman na may bisyo iyon.

Matapos ang ilang araw, maging si Juliet ay itinanggi iyon at sinabing bakit nga ba niya sisiraan ang kanyang yumaong kapatid?

So maliwanag na ang kuwento ay gawa-gawa lamang ng vlogger. At ang masakit ikinalat pa iyon ng ibang vloggers.

Kaya isang paglilinaw, kasinungalingan po na may bisyo si Mercy Sunot ng Aegis kaya siya maagang binawian ng buhay.

Showbiz gay, nadismaya sa iniilusyong bakla

Para raw nagising sa isang masamang panaginip,ang isang showbiz gay.

Napakatagal na pala niyang pinapantasya ang isang poging male model, na sikat na sikat naman noong araw.

Ang model ay naging pantasya rin ng dalawang gay stars, isang gay society columnist, at marami pang mayayamang bading. Pero noong isang araw daw nakasalubong ng showbiz gay ang pantasya niyang model sa isang mall sa Makati, at ang hitsura mukhang matanda na, may bigote at manipis na ang buhok kaya’t para raw siyang pinanghinaan ng tuhod.

Pumasok siya sa isang restaurant at uminom ng malamig na cola dahil para niyang naramdaman na bumagsak ang blood sugar niya dahil sa disappointment at panghihinayang sa maraming taon na nag-ilusyon siya.

“Mukha na lang siyang isang karaniwang intsik na nalugi sa negosyo,” sabi pa ng showbiz gay. Ang hitsura kasi ng isang tao, talagang lumilipas iyan sa pagdaraan ng panahon.

Lahat ng tao ay tatanda, nalalaos, at nawawala ang nakasanayan nating makitang kagandahan. Pasalamat ka na nga lang kung hindi magaya sa iba na nagmukhang hukluban.

VICE GANDA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with